84

484 17 4
                                    

Eden Leon Zurriaga
8:12 pm

Eden:
Gago natutulog ka pa ba? Daig mo pa adik na walang tulog.

Kio:
Hindi ako makatulog ng maayos. Tatlong araw na bal wala paring paramdam si Archer. Sabi naman ni Arkin, okay lang si Archer pero bakit walang paramdam?

Hindi ko gets.

Eden:
So ano? Hindi mo na hihintayin?

Kio:
Hihintayin. Syempre hihintayin ko 'yon. Hindi ko lang maiwasang mag-alala. Pakiramdam ko kasi may problema e

Eden:
Umayos ka. Ang sabi okay lang si Archer kaya dapat okay ka rin. Magkakaproblema talaga kung hindi ka matutulog ng maayos. Bugbog sarado ka na sa practice, kailangan mong magpahinga

Kio:
:(

Eden:
Seryoso ako, Enzo. Magkamukha pa naman tayo tapos ganyan ka kapangit ngayon, kingina hindi ko matanggap.

Kio:
Pota ka naman 'yan talaga inaalala mo

Eden:
Pisti

Nasa 7/11 ako. Bili akong ice cream mo. Siopao nila asado nalang meron, ayos lang ba 'to? 'Yong pizza baka dumating na jan, itabi mo nalang ang bell pepper, ako ang kakain, bayad na 'yon.

May gusto ka pa ba?

Kio:
'Yong chicken wings sa Obrero. 'Yong kinainan natin

Eden:
Sige

Kio:
Luh🥺

Gago joke lang. Okay na 'yan. Layo na ng Obrero

Eden:
May kotse ako

Kio:
Huwag na nga

Eden:
Pero 'yong chicken wings mo

Kio:
Tangina mahal mo talaga ako. Uwi ka na, gutom na ako

Eden:
Ge sabi mo e. Balik ako agad.

8:37 pm

Eden:

Manok mo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Manok mo. Ito lang nakita namin. Pauwi na kami, kasama ko tropa

Gusto nila makita kung gaano ka na kapangit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Gusto nila makita kung gaano ka na kapangit

Kio:
Kingina😤❤️

University Dump #1: To Complain (BxB)Where stories live. Discover now