97

565 24 27
                                    

ENZO KION ZURRIAGA

"Kanina mo pa 'yan tinitingnan."

Napakurap ako nang marinig ang sinabi ni Fern. Nakatambay kami ngayon sa tabi ng field, nakaupo sa mga nakakalat na benches sa ilalim ng puno habang hinihintay ang klase namin. Kasama ko si Fern at Leo.

"Kilala mo ba 'yan?" tanong ko. Kanina ko pa kasi tinitingnan 'tong lalaki na mag-isang nakaupo sa tapat namin. Seryoso siyang nagbabasa ng libro, payapa ang mukha pero mukhang strikto.

"Crush mo?" tanong ni Fern.

"Gago, ano ako High schooler? Oo yata." Natatawang napailing si Fern sa'kin at kahit ako rin ay natawa sa sarili ko. Crush amp. Kapag nalaman ko pangalan nito gawin ko na 'tong happy crush ko.

Ang akala ko hindi ko na ito makikita ngunit ganoon nalang ang gulat ko nang makita ito sa loob ng room. Blockmates kami sa Philosophy. Anong course ba siya?

Nakaupo ito sa may gitna habang kami nila Fern at Leo ay nakaupo sa may likuran. Dahil sa abala ako sa pagtitig sa kanya ay hindi ko narinig ang mga sinabi ni Sir. Napahiya pa tuloy ako ngunit mukhang wala naman siyang pakialam. Naghintay pa ako na mag-attendance si Sir ngunit natapos nalang ang klase hindi ko parin nalaman ang pangalan no'ng gwapong lalaki. Ni hindi ko alam kung napansin niya ba ako sa buong klase e.

No'ng nilapitan ko siya, hindi pa ako nagsasalita sinungitan na ako. Laki ng galit niya sa'kin, siguro crush din ako.

"Archer Samson."

Matapos ang mahabang pakiusap kay Sir Parcon ay sa wakas sinabi na niya ang pangalan no'ng lalaking nakita ko noong nakaraang araw. Pahirapan pa dahil hindi talaga nakalimutan ni Sir ang dick na sinabi ko.

Archer Samson.

Gandang pangalan. Kaya siguro napana ako. Tinamaan e.

Nang nagyaya si Echo ng inuman agad akong sumama. Hindi ko naman inakala na may mutual friends pala kami bukod kay Arkin. Napaisip tuloy ako na baka destiny na 'yon.

"Stop talking to me."

Hindi ko siya magets. Ang gulo niya kasi ayaw niya akong kausapin sa personal. Nagsusungit e. Natapos na kaming bumili at nakabalik na't lahat-lahat hindi niya parin ako kinakausap ng maayos. Galit ba 'to sa'kin? Gayunpaman, natutuwa parin ako kasi nagre-reply naman siya sa mga messages ko. Tapos friends narin kami sa fb at mutuals na sa twitter at instagram.

First lunch with Archer. Hindi masyadong naging maganda dahil may nagpa-picture sa'kin habang kumakain kami. Ayos lang naman sa'kin ang ganoon kung ako lang mag-isa pero kasi kasama ko si Archer. Hindi niya man sinabi alam kong ayaw niya sa ganoon. Pansin ko kasi na parang ayaw niya ng masyadong atensyon.

"Pasensya kanina," hingi ko ng tawad sa kanya habang nagmamaneho ako pabalik sa campus.

Dahil gusto kong makabawi sa kanya ay nagyaya ulit ako ng lunch. Sa cafeteria lang kami kumain at imbes na makabawi ay mas may malala pa na nangyari.

"Please do it later when we're done eating," sabi ni Archer. Pansin ko sa boses niya na nagtitimpi ito, pinipigilan na magsungit. Magsasalita na sana ako kaso nauna na 'yong babae.

"Bakit? Naiistorbo ba namin ang paglalandi mo kay Kio?" Hindi ko inasahan ang sinabi ng babae. Hindi naman si Archer ang lumalandi sa'kin, ako ang lumalandi sa kanya at oo nakakaistorbo kayo.

Nang makita kong bubuhusan na sana ng babae si Archer ng bulalo na inorder namin ay mabilis kong hinila si Archer papunta sa likuran ko. Ang resulta ay ako ang nasabuyan ng sabaw.

Pucha init.

"Ointment. This is effective."

Ang awkward.

University Dump #1: To Complain (BxB)Where stories live. Discover now