"Gago ka Denver!" Mura rito ni Noli. "Pinagsasabi kong kupal ka ah?!" Pagalit na sabi rito ng lalaki.

"Asus si Noli, Nagbibinata na. Arrruy." Sunod na kantiyaw naman ni Mark sa kaibigan at umaktong kinikilig pa.

Para naman siyang tanga sa ginagawa niya.

Inis na ginulo ni Noli ang buhok.

"Taena naman ng mga gagong 'to!" Gilalas nito at tinignan ako. "Sandali nga Myrna, Sasapakin ko lang sila." Paalam pa niya sa akin at mabilis na kinuha ang isa kong kamay at inilahad roon ang hawak na isang tangkay ng gumamelang dilaw at pinuntahan na ang mga kaibigan.

Napatitig naman ako ng matagal sa bulaklak na nasa palad ko.

Para kay Vina ang bulaklak na ito pero ayaw ibigay ni Noli sa babae dahil baka raw magalit. Bakit naman magagalit ang babae? Hindi ba dapat matuwa siya kasi binigyan siya ng bulaklak ng isang lalaki?

Nakatitig pa din ako sa kulay dilaw na bulaklak.

Muli na naman akong nakaramdam ng inggit sa taong pagbibigyan ng bulaklak ni Noli. Buti pa si Vina, Nakakatanggap ng bulaklak. Ako wala. Ay hindi pala! May natatanggap din pala akong bulaklak pero hindi galing kay Noli.

Kapag pumapasok na ako sa School. Sa upuan ko minsan may nadadatnan akong isang tangkay ng Daisy roon. Minsan naman, Rose na kulay pink iyong malaki. Tapos minsan, May mga tsokolate. Tulad ng bar nuts, Chooey choco at chubby. Tapos minsan, Nadadatnan kong may nakasulat sa blackboard na "MYRNA LOVE _____" at kung saan-saan parte ng pader ng eskwelahan namin. Meron pa nga sa mga puno. Kapangalan ko tapos may naka-drawing na puso at sa ibaba non ay blangko din. Hindi naman ako nagaasyum na ako yun kasi marami namang may pangalan na Myrna sa campus namin.

Pero pa din ang gusto ko. Ang makatanggap ng bulaklak at mga tsokolate sa taong gusto ko. Mas masaya ako kung sa kaniya manggagaling.

Pero malabo 'atang mangyari iyon.

Bukod sa mahirap na nga ako. Bobo pa. Anong kagusto-gusto sa akin?

Edi ang pagiging mabuting kalooban mo. Sigaw ng kabilang parte ng aking isipan.

Pagiging mabuti ng kalooban ko? May mga ganon ba? Ewan. Hindi ko alam.

Ang alam ko lang kasi...ang gusto ng mga lalaki.

Maganda. Maputi. Sexy at mayaman.

Hindi tulad ko...

Hindi na maganda. Mahirap pa.

"Anong iniisip mo?" Pukaw ng isang boses sa naglalakbay na aking kaisipan.

Sumulyap ako kay Noli na siyang nakatayo na sa harapan ko.

Malapad ang kaniyang ngiti. Sumulyap ako sa puno ng mangga. Wala na roon ang mga kaibigan niyang maiingay. Inalis ko na roon ang paningin at ibinalik sa hawak ko.

Tinignan ko ang bulaklak na nasa palad ko.

"Ikaw nalang kaya ang magbigay nito kay Vina, Noli." Wika ko.

Nagkamot siya sa ulo.

"Hindi nga kasi pwede."

"Bakit nga hindi pwede? Kasi magagalit? Bakit siya magagalit? Di ba gusto mo siya at gusto ka niya?" Magkakasunod na litanya ko. "Gustong-gusto nga din siya ng pamilya mo kaya anong dahilan at magagalit siya?" Dagdag ko pa.

Bahagya siyang natigilan ngunit ang kaniyang noo ay nakakuno.

"Nagiisip ka na pala Myrna?"

Mabilis na nalukot ang mukha ko. Heto na naman siya! Manlalait na naman!

"Huwag mo akong umpisahan ah, Noli?! Baka itong nilalabhan ko ipaligo ko sa 'yo!" Pangbabanta ko sa kaniya.

Tumawa siya bagamang mahina lang.

"Ang bilis mo talagang mapikon kaya gustong-gusto ki—Hep! Huwag mo ng ituloy!" Putol ko sa iba pa niyang sasabihin.

Baka kasi kapag narinig ko na naman ang sasabihin niya. Hindi lang bato ang bumagsak sa dibdib ko baka pati na lahat ng mabibigat sa mundo ay bumagsak sa akin.

Huminga ako ng malalim at saka iyon pinakawalan.

Kinuha ko ang kamay ni Noli at inilagay sa palad niya ang pinabibigay niyang bulaklak sa akin kay Vina.

"Ikaw nalang ang magbigay niyan sa kaniya." Mahinang saad ko matapos ibalik ang gumamela sa kaniya.

Bumalik na ako sa paglalaba ko at pinagpatuloy ang pagkukusot.

"Myrna..." narinig kong tawag sa akin ni Noli.

"Hmm?"

"Galit ka?" Tanong niya.

"Bakit naman ako magagalit?"

"Kasi....inuutusan kitang ibigay itong bulaklak kay Vina." Aniya.

Muli akong nagpakawala ng mabigat na hangin.

"Noli....hindi ko kasi kaya." Pahina ng pahina ang boses ko. At pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko sa dibdib.

"Hindi mo kaya? Ang alin?"

Matagal bago ako makasagot. Hindi alam ang isasagot. Marami ngunit hindi kayang isatinig ng aking bibig.

"Madami pa kaya akong nilalabhan Oh, baka nakauwi na sila nanay at tatay hindi pa ako tapos dito." Sabi ko nalang at hindi siya tinitignan.

Ayoko siyang tignan baka kasi mabasa niya sa mga mata ko ang tunay kong nararamdaman. At sabihin niyang malungkot ako dahil inuutusan niya akong ibigay kay Vina ang bulaklak ng gumamela.

"Sige na, Puntahan mo na si Vina sa kanila baka malanta na iyan at lalo siyang magalit eh." Pagtataboy ko kay Noli. Hindi ko pa ding siya tinitignan.

Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin.

"Oo na. Ako na ang magbibigay kay Vina neto."

Mabuti pa nga Noli. Dahil kung ako ang magdadala niya baka hindi iyan makaabot kay Vina.

"Sige, Magiingat ka sa nilalakaran mo baka madapa ka."

"Luh? Ano ako bulag Myrna?"

"Hindi ba?"

"Ha? Anong sabi mo? Hindi ko narinig. Paki-ulit nga."

"Sabi ko. Lumayas kana at para matapos ko na itong ginagawa ko! Istorbo ka dito eh!" Bulyaw ko na sa kaniya para makaalis na siya at maibigay na niya kay Vina ang pinitas pa niyang gumamela sa tapat ng bahay nila Wilma! Akala niya hindi ko alam ah! Sila Wilma lang kasi ang may tanim na Gumamelang kulay dilaw. Karamihan kasi sa amin ay pulos pula.

"Oo na. Galit ka na naman eh." Narinig ko pang utas ng lalaki. Uningusan ko siya.

"Layas na nga!"

"Oo nga. Pero balik ako maya. Diyan ako sa inyo makikikain Myrna ah,"

Bumusangot ako.

"Bakit hindi ka roon kina Vina makikain!"

"Ayoko. Mas masarap luto mo eh."

Natigilan ako sa pagkukusot at dahan-dahan na napalingon kay Noli. Ang laki ng pagkakangiti sa labi niya.

"Huwag kanang magtampo. Alam ko naman kasing naiinis at nagtatampo kana kasi puro nalang si Vina ang bukang-bibig ko. Sa susunod pangalan mo naman ang bukang-bibig ko." Nakangiting sambit niya.

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa ngiting pinapakita niyang iyon.

NASSEHWP

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now