"Ikaw ba'y nakatitiyak Eliana na ako'y iyong nais na dumalo sa kaaarawan ni Binibining Solana?" Napangiti ako at tumango.

"Maraming Salamat Eliana, kung gayo'y maaari rin ba nating isama si Rosa sa kaarawan ni Binibining Solana?" Pakiusap nya. Panandalian akong natahimik at nagnilay ng aking sasabihin.

Alam kong hindi kami ganoong magkalapit ni Rosa at sa tuwing magtatagpo ang landas namin ay nauuwi lamang iyon sa matinding tunggalian.

Ngunit maliit lamang na pabor ang hinihingi sa akin ni Binibining Miranda walang rason para ito'y aking tanggihan.

"M-maaari Binibini" sambit ko dahilan nang paglaki ng kaniyang ngiti. Hindi ko maiwasang hindi makaramdaman ng panibugho dahil kadalasa'y si Rosa na ang hinahanap niya ayokong tanungin siya ukol doon dahil batid ko sa sarili ko na hindi ko hawak ang kaniyang desisyon.






ALAS-SAIS ng hapon nang makarating kami sa mansion ng mga Delos Santos.  Kulay asul na saya at kulay puting baro ang suot ni Binibining Miranda. Pinatungnan niya ang kaniyang baro ng isang balabal na kumikinang, terno ang abaniko niya sa kulay ng kaniyang saya, naka-pamigkis din ang kalahati niyang buhok.



Habang si Rosa ay ternong puting baro't saya, habang nakatali ang kaniyang buhok kapansin-pansin din ang mapula niyang pisngi dahil sa kolorete.


Habang ako'y simpleng kulay itim na saya at barong kulay puti ang aking suot. Hindi ko nagawa pang kabitan ng palamuti ang aking buhok sapagkat  kapos na rin sa oras. Kaya't hinayaan kong iladlad ang aking buhok at hindi na naisipan pang maglagay ng kolorete.


Naunang bumaba si Rosa kaya't inalalayan niya si Binibining Miranda habang hinihintay nila akong bumaba. At agad na ring nagtungo na loob ng mansyon, bilang pa lamang ang mga panauhin ngunit handa na ang bawat pagkain, pinggan at kubyertos na gagamitin. Simple lamang ang kaayusan para sa kaarawan ni Binibining Solana, tanda ko na hindi nito ibig ang sobrang magara.

"Simple ngunit napakaganda ng buong paligid" puri ni Binibining Miranda nang makapasok kami. Napatango naman si Rosa at ngumiti. "Batid ko na hindi ibig ni Señora Solana nang magara" singgit ni Rosa habang pinagmamasdan din ang kapaligiran.

"Mabuti pa'y tayo'y maupo muna" sambit ko at tinanguan naman iyon ni Binibining Miranda. Napapansin ko na naging tipid na lamang sa pagsasalita si Binibining Miranda at malimit na lamang niya akong kausapin. Hindi ko batid ang kaniyang dahilan ngunit ako'y nasasaktan.

"Aking napapansin na tila puro mga kasibulan(youth) ang mga naririto?" tanong ni Binibining Miranda.

"Sa tingin ko'y mga kaibigan ito ni Binibining Solana," tugon ko. Napatingin sa akin si Binibining Miranda at ngumiti. "Kung gayo'y nararapat lamang pala na ating hindi sinama sina ama't Ina" sambit niya na ikinangiti ko at ikinatuwa ni Rosa.

"Ano na lamang ang sasabihin ni Señor Solana kay Eliana kung sakaling nagdala siya ng mga hindi nalalapit sa ating edad," sambit ni Rosa at bahagyang natawa napangiti rin si Binibining Miranda. Habang ako'y tipid lamang na ngumiti.

Sa estilo nang pananalita ni Rosa tila ba sinisimulan na naman niya ako ng mga maanghang niyang mga salita.

"Sa tingin ko'y walang sasabihing hindi maganda sa akin si Binibining Solana sapagkat ako ay kaniyang lubusang pinagkakatiwalaan" kalmado kong saad, nabigla ang mga mata ni Rosa at tahimik na napatingin sa akin si Binibining Miranda.

Sa tingin ko'y naglikha ng pagkagulat sa kanilang pagkatao ang nagawa kong tugon para kay Rosa. Umiwas ng tingin si Rosa at pinagmasdan ang buong paligid, habang nakapako pa rin ang tingin sa akin ni Binibining Miranda.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon