They were having brunch. Meron pang tamarind soup na tamang-tama sa hangover niya.

"Inaral ko lang 'yang chao fan. Parang tulad doon sa kinakainan natin ng tapsi noong araw. Na-miss kong kumain doon."

"Same here. I'm glad you still remember."

"Of course, it's one of the fondest memories I had with you... and Rocky."

Maganda na sana ang dating sa unang linya, kaso may sumingit pang ibang pangalan.

"How is he, by the way?"

"He's fine," his monosyllabic reply.

Napatitig ito sa kanya. At alam niya kung ano ang ibig sabihin ng tinging iyon. She wants him to elaborate. Pero ano nga ba ang puwede pa niyang sabihin dito? Pagkatapos ng tangkang pagsaboy ng asido ni Suzy kay Meredith ay hinanap niya ang babae. Gusto niya itong papanagutin sa ginawang pagtatangka sa buhay ni Meredith. Ngunit nawalang parang bula ang babae. Isa sa kanyang mga tauhan ang nakapagsabi na si Rocky ang huling kasama ni Suzy bago iyon nawala sa Purok 6.

Nang tanungin nila ito ni Bentley kung nasaan na ang babae ang sabi lang nito ay pinatay na nito si Suzy. He didn't believe him. At ganoon din si Bentley, hindi ito naniniwalang magagawa nitong patayin ang babae. To prove his guilt ay sumuko ito sa pulisya para i-report ang sariling krimen. Ngunit hindi sapat ang salita lamang para ma-convict ito sa inaaming kasalanan. At isang mahusay na defense attorney ang nakuha ni Bentley para idepensa ang kapatid. Nakalaya ito at hindi nakulong. But the bond between them fell apart.

"I followed his case," ani Meredith. "Where is Suzy? What did he do to her? Honestly, I don't think he's capable of killing anyone. Least of all, Suzy."

"Iyon din ang palagay namin ni Bentley. But up to the end, iyon ang sinasabi niya."

"His case was dismissed, though, for lack of evidence."

"Yes."

"What happened between you two? Nagkasamaan ba kayo ng loob pagkatapos ng mga nangyari? I didn't see him after his case was dismissed. Si Bentley na lamang ang parati kong nakikita na kasama mo."

"He left."

"I see," halata ang lungkot at tila disappointment sa tono ni Meredith. "That's sad."

Itanggi man niya pero may isang bahagi sa pagkatao niya ang nasaktan sa mga nangyari. Na tila lalo pang pinabigat nang isang araw ay bigla na lamang magpakasal si Meredith kay Ramil Zamora. It's one of the lowest point in his life. At sa galit niya nga ay dinukot niya si Meredith matapos ang kasal nito kay Ramil...

.

"WALANGHIYA ka talaga! Ibalik mo ako sa asawa ko, ibalik mo ako sa kanya!" galit na umatake si Meredith kay Vengeance nang magising ito sa isang hindi pamilyar na silid.

Vengeance managed to block and avoid her kicks and punches. Nang mahuli niya ang dalawang braso nito ay malakas niya itong itinulak sa kama. Sa gulat nito ay hindi ito kaagad naka-react. At bago pa man ito makabangon ay mabilis na niya itong dinaganan. He pinned her hands above her head and locked her thighs between his legs.

"You betrayed me," puno ng galit na akusa niya rito.

"Who betrayed who, really?" sarkastikong sagot nito sa kanya. "Sa pagkakaalam ko ay wala akong binitwang salita o pangako sa'yo."

Tama ito. He assumed that everything was sealed and agreed upon the night he took her innocence. At dahil wala ring pagtutol dito sa ilang beses na naulit pa ang mga tagpong iyon sa pagitan nila, masyado siyang nakampante na magpapakasal ito sa kanya sa itinakdang panahon. He should have known, Meredith is clever. Kung noong una ay napaikot niya ito, sa pagkakataong iyon ay siya naman ang napaglaruan ng dalaga.

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuWhere stories live. Discover now