Tumaas ang isang kamay nito. Dinutdot siya nito ng hintuturo sa pisngi.

"You're real. Tell me you're real."

"Gusto mong kagatin ko 'yang daliri mo para mapatunayan sa'yong totoo ako?"

Isang ngiting lasing ang sumilay sa mga labi nito. Pagkuwa'y hinaplos nito ang kanyang pisngi.

"This face keeps me sane all these years. And it always feels like home whenever I think of you. When our crusade seemed too heavy on my shoulders, I bring myself back to the times that we were together. Then, and only then I find it easy to breathe again."

Parang may bumara sa lalamunan ni Meredith sa sinabi ni Vengeance. Damang-dama niya sa boses nito ang tila kimkim na paghihirap. Kusang tumaas ang isa niyang kamay sa pisngi nito at hinaplos iyon. Pumikit ito, ngumiti. Bahagya nitong ikiniling ang ulo sa kanyang kamay at hinagkan ang kanyang palad. Tumagilid ito ng higa at kinubkob ang likuran ng kamay niyang nakahawak sa pisngi nito at ginawa iyong unan.

"V, pupunasan kita ng maligamgam na tubig. Papalitan na rin kita ng damit."

"That's sweet. I don't wanna get sober if you are this sweet and caring when I'm drunk."

Natigilan siya. Makikipagtalo pa sana siya rito katulad ng madalas niyang gawin ngunit pinili niyang itikom ang bibig dahil aminado siyang may katotohanan naman iyon. Never naman kasi talaga siyang naging sweet o showy. Hindi kasi siya iyon. If she do that just for the sheer heck of it, she'll probably cringe.

Muli nitong inabot ang mukha niya. His thumb brushed the frown off between her brows.

"Forget what I said," sabi nito habang nakaguhit ang lasing na ngiti sa mga labi. "It's okay if you're not sweet, I love your fierce and spicy personality."

Parang may lumagabog sa loob ng dibdib ni Meredith. Love? Gusto niyang ipaulit ang sinabi nito.

"C-can you say that again?"

"Your fierce and spicy personality?"

"No, before that."

"It's okay if you're not sweet."

"And...?"

"And? Ah, I--"

Naudlot ang sasabihin ni Vengeance nang may kumatok sa labas ng pinto. Bago pa niya naimbitahang pumasok ang tao sa labas ay bumukas na ang pinto at pumasok si Almira. May dala itong clear bowl na may tubig.

"May dala po akong maligamgam na tubig, Attorney. Ako na ang magpupunas kay Sir Vengeance."

"Get out," tila umakyat ang lahat ng dugo ni Meredith sa ulo. Anhin na lang ay kunin niya ang bowl at isaboy ang laman niyong tubig sa atribidang katulong.

"Baka lang ho kasi hindi kayo sanay at mahirapan kayong asikasuhin si Sir. Dati ko pa naman pong ginagawa ito, eh, kaya saulado ko na ang gagawin sa kanya," katwiran pa ng babae.

Lalo ng kumulo ang dugo niya rito. Bukod sa nakaiiritang plastik na ngiti sa mga labi nito ay tila may ipinahihiwatig pa ang mga pangungusap ng babae. Like she had an intimate relationship with her husband. Well, she won't have any of that.

"Leave it there," nag-aapoy ang mga matang itinuro niya rito ang night table. "Get out."

Nagkibit-balikat ang babae na para bang hindi man lang naalarma sa galit niya. Palabas na ito nang tawagin ni Meredith.

"Next time, huwag kang basta papasok sa kuwarto naming mag-asawa," binigyang-diin niya ang huling kataga. "Unless I called for you, naiintindihan mo?"

"Paano po kung si Sir ang tumawag, Attorney?" tanong ng babae na may inosenteng ngiti sa mga labi.

This witch is really trying my patience. "Well then, kapag nangyari 'yon ay magbalot ka na ng mga damit mo. Either you get out of this house or I will. Hindi naman siguro ganoon kaimportante ang posisyon mo sa buhay ng asawa ko kumpara sa akin na asawa, hindi ba?"

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuWhere stories live. Discover now