"It's okay, you're safe. We won't hurt you."

We? Noon niya lang napansin ang apat na kalalakihan pa na naroroon. Ang isa'y matangkad din at may matipunong pangangatawan. Iyon ang may yapos kay Vengeance mula sa likuran.

"Snap out of it, V!"

Habang yapos ito ng isa ay isang lalaki na may mahabang buhok ang lumapit sa mga ito at binigyan ng malakas na suntok si Vengeance. Napasinghap siya.

"S-s-sino kayo?" nangangatal ang boses na tanong ni Meredith.

Tingin niya sa mga lalaking naroroon ay hindi nalalayo ang edad kay Vengeance. And they all look military-ish. Matipuno ang mga pangangatawan, pambihira ang mga tindig at taglay na hitsura. Sa madaling salita, walang itulak-kabigin. Sila 'yong tipo ng mga kalalakihang kapag inihalo mo sa karamihan ay mamumukod-tangi. Mukha ring hindi mga Pilipino. O kung may lahi man ay sigurado siyang mas nakalalamang ang dugong banyaga. And just like Vengeance they have that air of danger around them. Like they've been to hell and back. And if they were rubbed up the wrong way, there will be hell's to pay.

"M."

Tila bumalik na sa dating huwisyo si Vengeance. Nang humakbang itong palapit kay Meredith ay imboluntaryong napaatras ang dalaga.

"I'm sorry."

Kahit parang tuyong-tuyo ang lalamunan ay pinilit niyang magsalita. "W-who are you really? What are you? And who are these people."

"They are my friends," nilingon nito ang lalaking may yapos dito kanina katabi ang lalaki na shoulder-length ang itim na itim na buhok--ito 'yong sumuntok kay Vengeance. "This is Torment, and Scythe. The man beside you is Zenith, that's Callous, and Ominous."

Ang dalawang huli nitong nabanggit ang pangalan ay nakatayo malapit sa pinto. The latter smiled while Callous remained stoic.

"Who is that man? Why did you kill him?"

"He used to be my father's employee. He's a chemist. He created the rape drug that is now very popular to sex predators."

"L-law enforcers ba ang mga kaibigan mo?"

She heard them chuckled. When she looked at their faces she saw an amused expression on everyone.

"Can you handle this, bud?" ani Torment nang tapikin sa balikat si Vengeance. "Looks like you have a lot of things to talk about."

Tumango si Vengeance.

"We'll clean up your mess. You can thanked us later," ani Scythe.

"Buhatin mo na," utos dito ni Ominous.

"Bakit ako? Mas malaki ang katawan ni Cal."

"Di ba ikaw ang nagprisinta?"

"Kaya nga sabi ko 'we', di ba?"

"Move it, gentlemen," utos ni Torment.

Parang mga batang napagsabihan ang mga ito na agad nagsikilos. Nakamaang lang si Meredith sa lahat ng iyon. Hindi siya makapaniwala sa nasasaksihan. Hindi siya sinagot ng mga ito sa tanong niya kung mga alagad ba sila ng batas. Pero hindi naman siya bobo, she can read between the lines. And knowing that they could dispose someone as easy as disposing a trash doesn't sit well with her. Gaano man kahirap makamit ang katarungan minsan, naniniwala pa rin siya na tanging ang mga alagad ng batas lamang ang may kapangyarihang magpatupad ng batas. Hindi ang tulad ng mga itong ordinaryong sibilyan lamang.

Nang muling humakbang palapit sa kanya si Vengeance ay napaatras na naman siya.

"I'm sorry about earlier. I must have shocked you."

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon