Skeleton In The Closet

Start from the beginning
                                    

"V." 

"Napakalalim ng iniisip mo," anito sa kanya.

"W-what's the roses f-for?" kumakabog ang dibdib na tanong niya.

"Um, itanim mo?"

"What?" muntik na siyang mapanganga sa sagot nito.

"Take it."

Para namang tinutukan na awtomatiko niya ngang tinanggap ang long-stemmed rose. It was still a small bud, that within a day or two will bloom into a beautiful flower.

"Ang lalim kasi ng iniisip mo. Balak kong hukayin tapos itanim natin 'yan."

Muntik na niyang maihataw rito ang stem ng rosas.

"Buwisit ka. Alam mo manang-mana sa'yo si Rocky."

"Bakit? Mukha ba kaming magtatay?"

"Ang tino mo talagang kausap minsan," sarcastic niyang sagot dito. "Bilog ba ang buwan at parang wala ka sa tamang pag-iisip?"

"You believe that horse' crap?"

"Narinig ko lang 'yan sa kapitbahay naming si Aling Lupita. 'Yan ang madalas niyang dialogue ro'n sa anak niyang batugan. Kumilos sa hindi ay lagi niyang binubungangaan. Memorized ko na nga ang mga lines niya, eh."

"Pag-aabogada ba talaga ang main goal mo o gusto mong maging reporter?"

Isang matalim na tingin ang ibinigay rito ni Meredith at pagkuwa'y dumukot ng pera sa bulsa.

"Heto ang piso," sabay salpak niya ng barya sa palad nito. "Bumili ka ng kausap mo at uuwi na ako."

Matapos gawin iyon ay mabilis niya itong binirahan ng layas. Naghintay pa naman siya ng halos isang oras dito, tapos ay aasarin lang pala siya.

"Em, wait up."

"Don't talk to me," inis na sabi niya rito na bahagya pa itong nilingon.

At dahil naririto ang atensyon niya, hindi niya napansing may makakasalubong siyang grupo ng mga kalalakihan. They were talking among themselves at wala rin sa dinadaanan ang pansin.

"Watch out!"

They collided. At dahil malaking tao ang nakabangga ay muntikan ng tumalsik si Meredith na parang bolang ibinato sa dingding. Ngunit mabilis din naman ang reflex ng nakabangga niya at maagap siya niyong nakapitan sa magkabilang braso para hindi siya bumagsak paupo sa lupa.

"Em!" 

Hindi pa man nakababawi si Meredith sa pagkabigla sa nangyari ay sumulpot na sa tabi niya si Vengeance. Mabilis siyang binawi mula sa lalaking nakahawak sa balikat niya.

"Whoa, chill. I'm sorry," paghingi ng paumanhin niyon.

"You could have fooled me," masama ang tinging ipinukol dito ni Vengeance.

"I don't know what you mean," sagot ng lalaki na inosente ang ipinakikitang ekspresyon sa mukha.

Nang mapagmasdan iyon ni Meredith at ang grupo nito ay saka niya napagtantong mga varsity player marahil ang mga ito base sa suot nilang jacket na may pare-parehong logo ng pinapasukan nilang university. Na kung hindi siya nagkakamali ay minsan na niyang nakitang may suot ding ganoon si Nick Sandoval na ka-blockmate niya.

"Don't try me," ang tila may pagbabantang sabi rito ni Vengeance bago hinagip ang kamay niya at hinila na siyang palayo sa grupo.

Hindi napigilan ni Meredith na lingunin ang mga ito. Eksakto namang namataan niya si Nick. Sumalubong ito sa mga iyon at nakipag-high five sa lalaking nakabangga niya. Was it intentional katulad ng ipinahihiwatig ni Vengeance?

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuWhere stories live. Discover now