Skeleton In The Closet

Start from the beginning
                                    

Nangingiting nasundan na lamang ng tingin ni Meredith ang mga ito. Habang nagtatanghalian ay naisipan niyang ungkatin kay Lola Miling ang tungkol sa infidelity ng kanyang ama. Sa tagal ng paninilbihan ng dating yaya sa kanilang pamilya ay may palagay siyang marami itong nalalaman sa sikretong itinatago ng kanyang pamilya. Partikular na tungkol sa Daddy niya.

"Lola, may alam ba kayo sa mga naging past affairs ni Daddy?"

"Past affairs ba 'kamo?"

"Opo."

"Aba'y hindi yata tamang ako ang sumagot sa ganyan kaselang usapin. Hindi mo ba natanong tungkol d'yan ang Mommy mo?"

Isang marahang pag-iling ang itinugon dito ni Meredith.

"Mas maganda kung sa kanya mismo manggagaling ang lahat ng sagot sa mga tanong mo."

Nanlumo siya sa narinig.

"Then, may idea ba kayo kung ilan sila? Marami ba akong kapatid sa labas?"

Tila saglit na napaisip si Lola Miling sa tanong niya. Bahagya pa ngang kumunot ang noo nito habang ngumunguya.

"Ang alam ko lang ay apat," anito. Nilunok nito ang nginunguya bago dinampot ang katabing baso na may tubig at uminom.

Bahagya namang napamaang si Meredith sa narinig. Ang alam nito ay apat. Ibig bang sabihin ay marami pang iba?

"Dalawa roon sa dating katulong niyo noon, isa sa kanyang sekretarya, at iyong isa," may pag-aalalang nagdaan sa mukha ng dating yaya na para bang saglit itong nag-alanganin sa sasabihin.

"Sabihin niyo na. Wala ng masisirang image ang Daddy ko sa akin if that's what you're worried about. Matagal ng nasira ang anumang respetong natitira sa dibdib ko para kay Daddy. His indiscretion is one thing, but hurting my mother both physically and mentally is another matter. I don't think I can forgive him for as long as I live."

Marahang tinapik-tapik ni Lola Miling ang braso niya na nakapatong sa mesa. 

"Nauunawaan ko ang damdamin mo. Pero magulang mo pa rin 'yon. Pagbali-baliktarin man ang mundo, siya pa rin ang naging instrumento para mabuhay ka sa mundong ito."

"Kung makapipili lamang ako ng ama, hindi ko pipiliin ang isang tulad niya."

"May mga bagay sa mundo na hindi tayo ang makapagpapasya. At may mga pangyayari sa ating buhay na pilit man nating iwasan ay wala tayong magagawa. Ngunit ang mga bagay at mga pangyayaring ito rin ang humuhubog sa atin para tayo'y maging matatag na indibidwal."

Hindi na siya nagkomento pa tungkol doon. Her mother told her once that diamonds are made under pressure. At madalas ang buhay raw ng isang tao ay parang ganoon din.

"Sino po 'yong isang nabanggit niyo?" pagpapatuloy niya sa naudlot nilang usapan.

"Sigurado akong magkakausap din kayo ng Mommy mo. Pero mas maganda kung sa kanya mo na maririnig ang tungkol doon."

Lalo ng nadagdagan ang kuryosidad ni Meredith. Gaano ba kaselan ang bagay na iyon na tila nag-aalangan ang dating yaya na ilahad sa kanya?

Ilang araw na naging laman iyon ng isipan ni Meredith. Sumapit ang prelims. Naging abala na siya sa pag-aaral. Pinilit niyang isantabi ang mga alalahanin tungkol sa kanyang pamilya. She missed her mother. Sa bawat araw na malayo sila sa isa't isa ay mas lalo siyang nangungulila rito. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nalayo siya rito. Ngunit iyon pa lamang ang kauna-unahang pagkakalayo nila na walang katiyakan kung kelan sila magkikita... o kung magkikita pa nga ba sila.

Napabuntonghininga siya. Ngunit kasunod noon ay kumunot ang kanyang  noo nang may lumitaw na isang buko ng rosas sa harapan niya. Gulat na nilingon niya ang may-ari ng kamay mula sa kanyang likuran.

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuWhere stories live. Discover now