Chapter 1: Beer Gone Wrong

18.9K 242 10
                                    

CRUISE'S POV:

"CRUISE!NAKU BAKLA!AYAN NA SI FAFA XANDER!!!Ang gwapo niya talaga!"sigaw ng bestfriend ko nang makitang papasok na ng room ang teacher namin na crush ko rin. Alam kong hindi lang ako ang nakakaranas nito noh.

Etong bestfriend ko talagang to..baklang bakla kumilos pati magsalita!Sinapian rin siguro ng bakla?Kung makatulak pa sa braso ko wagas,kala mo wala nang bukas?Naks.Fliptop? Okay moving on.

Pero ewan ko ba.Nasasanay na nga rin ako sa tawag niya saking "bakla" eh!Hindi naman ako bakla!?CRUISE ang pangalan ko okay!?

"Ano ba Jenna,kanina kapa tulak ng tulak.Nahihilo nako sayo at saka wag ka ngang magpahalata,mamaya niyan pagalitan pa tayo."bulong ko naman sakanya.

Andyan na kasi yung teacher namin sa Algebra,yung pinakagwapo na teacher dito sa Green Dale Academy.Kaya nga ba crush ko eh. Okay don't judge me. Hindi lang siya basta gwapo, matalino rin.

Kaso sa kasamaang palad,napakasungit na teacher niya at sobrang snob rin.Minsan nga kapag nagtuturo siya tapos alam niyang hindi ka nakikinig,hindi ka niya sasawayin at hahayaan ka lang.

Tapos kapag may tinanung ka,titignan ka lang niya at babalik na sa ginagawa niya hindi ka man lang sasagutin.Akala mo hangin ka lang. Kaya madalas, di na lang ako nagtatanong. Lalo pa at mahina ako sa Math. Malamang I have all the questions in the world.

"WHY BA?TRULALU NAMAN KAYA!NAGBABALATKAYO PA ANG PEG MO,PARA NAMANG HINDI MO SIYA NIRARAPE SA ISIP MO!"napalakas namang bigla ang boses ni Jenna dahilan kung bakit napatingin ang lahat ng kaklase ko samin,pati narin ang teacher ko..Hala nakakahiya!Jenna,kasi..bunganga mo!

Napayuko nalang kaming pareho nung mahalata namin na pinagtitinginan na kami,hindi naman kami pinansin ni Sir Xander ibinalik lang niya ang pansin sa ginagawang equation sa board at nagsunuran ng tingin ang mga kaklase ko.

"Ikaw talaga!!!Nakalunok ka ba mic ha?!Kulang nalang ilagay mo sa billboard sa EDSA na may crush ako kay Sir."bulong ko sakanya sabay siko sakanya.

"Kung keribels nga lang ilagay sa mga dyaryo at ipamedia na crush mo siya gagawin ko eh!Kasi naman oh,ang hotness naman talaga ni Fafa Xander.Emergeeed.."tch.pagpasyensyahan ko na lang tong bestfriend kong babaeng bakla, ganto talaga siya eh may pagkamanyak kung minsan.Ay hindi pala,MADALAS.Minsan nga pati ako,nahahawa narin.

"Tumahimik ka na nga lang diyan,akin si Sir Xander noh."bulong ko sakanya sabay belat.Matapos nun,tumahimik narin ang mundo ko dahil namayapa na ang kaluluwang bakla ni Jenna.

Ilang sandali pa habang tahimik akong nagsusulat at subsob sa seatwork na pinapagawa ni Sir Xander ay naramdaman kong inilapit ni Jenna ang muka niya sakin at bumulong na parang isang kaluluwang ligaw.

"Makalaglag panty si Fafa Xander oh,tignan mo."malanding bulong ni Jenna sakin,na siya namang ikinagulat ko ng husto.

"AY KABAYONG HAMOG!"naibulalas kong bigla,at medyo napalakas pa ata?Nagtawanan kasi ang iba kong mga kaklase pati si Jenna,pero si Sir Xander parang wala lang narinig nahalata ko lang na kumunot ang noo niya ng kaunti at ibinaling ang atensyon sa librong binabasa.

"Grabe kang baklita ka,hindi kinaya ng powers ko yun!Ang chipangga masyado ng sinabi mo?!Saang planet outer space mo ba nadekwat ang word na yun?!"pagbibiro niya habang tatawa tawa parin.Sa sobrang inis ko ay pasimple kong inapakan ang paa niya.Pero kahit naiinis ako minsan sa bestfriend kong ito mahal ko naman ang adik na baklang ito.

"AROUCH!!!IT HURTS!!SHEMAAYY!!ANG FOOTNESS KO!!"medyo mahinang sabi niya habang hawak hawak ang paa niyang inapakan ko,nakapout naman siya.

"Tama lang yan sayo,ang tahimik ng buhay ko kanina eh!Ginugulat mo ko ng kamanyakan mo eh.Yung panty mo,kung nalalaglag.Palagyan mo ng garter,baka maluwag na.Siguro mukang bacon noh!!Kadiri!"pagloloko ko naman sakanya,at sa pagkakataong ito ako naman ang tatawa tawa pa,pero pinipigil ko paring humagalpak.

TEACHER SLASH HUSBAND[ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon