Level 17:\Ren

31 3 0
                                    

Level 17:\Ren Hernandez\Disconnect -Reconnection Attempt-



«Philippines\Makati, Manila\Tejeros Garden Bliss Compound»


Sino naman ito tumatawag? Nagvi-vibrate ang telepono ni Ren sa kanyang bulsa, habang sila'y papalakad paloob ng Tejeros Garden Bliss compound. Hindi niya marinig ang ringtone ng kanyang telepono, sapagkat sinapawan ng mga sasakyan at ilang bahay na may malalakas na tugtuging hip-hop.


Bawat kantong kanilang madaana'y punung-puno ng mga batang naghahabulan at nagtatawanan. May mangi-mangilang matatanda nama'y nag-iinuman sa tapat ng mga sari-sari store.


Nakapangunot man siya ng noo sa mga pangyayari kanina, nakaamoy siya ng mabangong amoy ng asukal at gata sa paligit. Sinundan nila ang amoy ng masarap na ulam, at napatigil sila sa tapat ng kanilang pinaglalaruang internet cafe. Nagtitinda pala ng puto bumbong si Manang Linda, ang asawa ni Mang Mario.


Bati niya kina Ren, "Kamusta na ang laban ninyo kanina, Rene-boy?"


Agad sumagot si Arnold, "Muntikan na po kami manalo, ma'm."


"Anong nangyari?" Ginawan sila ng sariwang puto bumbong ni Manang Linda. "Naka-ilang gabi na kayong puyat sa kaka-training dito."


Napabuntong-hininga si Ren, "Dinaya po kami ng taga-kabilang team, 'Nang."


"Pa'no naman nangyari yon, mga bata?" Nagbubudbod ng asukal si Manang Linda sa mga mainit na puto bumbong. "Sabi niyo, sa mall pa nga mangyayari ang tournament na'yan eh."


Pinagmasdan ni Ren ang paglalagay niya ng mga ginayat na niyog. "Nakita po ni Estelle na may nagtuturo pala kay Derek sa labas."


"Naku naman, hi-tech na pala ang pandaraya ah!" Medyo napahalakhak ang manang, "Parang sa eleksyon lang."


Tumango ng saglit si Ren. "Pasensiya na po, at kailangan na po naming umuwi."


"Pero, isa lang ang sigurado diyan-" Agad binigay ni Manang Linda ang isang supot ng mga puto bumbong kina Ren. "Digital na yata ang karma ngayon!"


"Salamat po ulit, manang!" Kinuha ni Arnold ang mga puto bumbong. "Maglalaro ulit kami diyan bukas ah!"


Sila'y naglakad pauwi ng ika-5 na cluster ng tenement. Sumasagi sa kanyang tainga ang bawat murang binabanggit ng mga tugtuging Pinoy hip-hop sa paligid. Nakangiti nga siya, pero kumukulo pa rin ang dugo niya sa kanyang mga kamao. Di pa makuntento sa pagkimkim ng inis, naisip niyang may isang mala-abong tricycle na sumagasa kay Derek sa daanan nila.



Pagkarating nila sa bahay ni Ren, sila'y naupo sa isang malambot at batik-batik na berdeng three-seater sofa. Agad sila'y binati ni Desiree - ang nanay ni Ren, habang naghahain ng hapunan sa kanilang plastik na lamesa. "Kamusta ang laban ninyo?"


"Talo po kami kanina." Napailing si Ren, habang binuksan niya ang 20-inch flat-screen TV para makapanood ang nanay niya ng Maria Mercedes.

Call of the Battlefield Online (TAGLISH)Onde histórias criam vida. Descubra agora