XIV - Halloween CosPar Part 1/X

1.2K 38 3
                                    

Today is the day!

Madaming alak later, men.

Ay, sana payagan uminom ni Professor Sanders...

I was now in my first day costume at tapos na rin ako ayosan ng buhok at face kahit wala naman na dapat pang ayosin na mukha ko. Chos.

Any minute from now at matatapos na rin sa pagbibihis si Zeke then we'll head to the school together nalang.

Malapit ko pang makalimutan na I am going to perform one song pala later.

So the flow will be like; call time 1pm, prayer and welcoming chu-chu at 3pm hanggang sa matapos, then start na ng program. May magpo-perform. Dancing, singing, and simulang pag-open ng mga booths. Opening of booths together with starting time ng treat-or-tricking na ang booths din ang mamimigay. Then, mga 7pm ay start na ng banda-banda hanggang sa uwian ng 10pm.

Tapos clean dapat para fresh start naman tomorrow na booths nalang and treat-or-tricking.

Tapos the day after ng second day ay balik school ulit bago mag-break. Well, ano lang naman, magko-compile lang ng mga projects. Tapos uwi na if complete na ikaw. Malaya ka ng pumunta sa sementeryo.

Our Halloween party is open for outsiders so mas exciting. Dapat ngalang nagkakilala ka na taga school.

Hng, ano kaya ang booths ng mga Professors this year..

-

I'm literally laughing my ass out right at the moment. Pucha, sino bang hindi matatawa ng malaman ko kung ano ang booth na tinayo ng mga professors.

How well do you know your teacher?

Sino bang may pasimuno nitong booth nila? Nakakatawa, ang boring! Booth nga ng mga nasa Culinary ay beer pong booth tapos kapag matalo mo ang students nila na makakalaban mo ay may free food kang hinanda nila tapos mystery prize.

Samin naman ay dadakip kami ng Professors tapos tatadtarin namin ng questions. Oh, diba. Baka nga't pagbalik ulit ng klase next week ay failed na kami sa mga klase namin.

Katuwaan lang daw naman sabi ng President ng klase namin. Ngayon ko nga lang it nalaman, eh. Busy kase ako sa bebe ko – este sa pagpre-prepare para sa banda later na kakanta ako.

Approved naman ang booth namin so no problem.

There's also a booth na cafè siya tapos may mga different breeds of dogs.

Tapos sa tabi nito ay different breeds of cats naman.

The animals that are being used sa naturang booths ay pets lang din ng mga students na nagmamayari ng mga booths.

They also have have animals na may tag, meaning it's up for adoption.

I was thinking of asking Zeke a permission if we can adopt a kitten or a pup.

May mga cute na mga tuta at kuting kase akong na pet kanina na sobra kung manlambing.

All booths are and should be applicable to both students and teachers. Even the outsiders.

Kaya sa isang booth kung saan ay Marriage booth naman ay pwedeng-pwede kang e-pair sa isang guro.

That's why I'm currently on a run.

The "Dakipers", whose task is to capture and blindfold the listed pair is running after me.

Ayaw kong magpadakip. Baka't mapatay pa ako ng Zeke ng maaga. 'Wag.

I was with my friends kanina dahil pupunta sana kami sa booth ng mga Professors nang may lumapit saamin na tatlong naka green shirt na may printed word na "Dakipers" sa front.

LOVING SZERAFINA (PROFXSTUD)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin