Chapter 1: Meeting HIM ♥

31.4K 670 71
                                    

Zyrelle's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Zyrelle's POV

               Ako nga pala si Zyrelle Tria Lavalle,  high school student lamang ako , sa paaralang "Harrison University" ako nag-aral. Isa akong iskolar at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan nya ako ng pagkakataon na makapasok sa isang mamahaling paaralan na inaasam ng karamihan.

Hindi ko inaasahan na makakapasok ako sa University na yun sapagkat sa pagkakaalam ko puro mayayaman talaga ang mga nag- aaral doon .. hindi naman sa pagmamayabang pero utak naman talaga ang ginagamit hindi puro lamang ganda kasi wala naman tayong mararating  kung puro ganda lang.  Ansaveeeh!

Yun nga lang talino lang ang meron ako WALANG ganda. Hindi kasi ako nabiyayaan ni LORD ng mala Dakota Johnson na itsura at Ivana Alawi na katawan. Sino ba naman ako para magreklamo diba.  Makapal lang lense ng salamin ko pero di naman ganon kakapal ang mukha ko. 

Hindi kami mayaman , hindi rin naman sobrang hirap, nakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw.. Hindi rin ako kagandahan o hindi naman talaga ako  maganda to be exact. May height naman ako at pinagmamalaki ko na 'yon dahil  5ft ako dahil mas matangkad ako sa mga 4'11 kong classmates. Mabait naman ako at hindi ako pala-away sa school kaya nga lagi akong nabubully eh masyado na kasi akong MABAIT. Di ka sure!  

Sa probinsya kasi namin ay lagi kaming nakabilad sa araw kaya medyo morena ako ..sabi naman ni nanay hindi naman talaga ako maitim e kung tutuusin nga wala akong kakulay sa pamilya namin kasi maputi talaga ako di ko alam kung saan ako nagmana...

 Parating na ang school year kaya  rumenta muna ako ng apartment na malapit sa school na papasukan ko..  syempre kelangan kong magtipid dahil mas mahirap naman kung balikan ako masyadong malayo ang probinsya namin sa syudad. Masakit man sakin na mapahiwalay ako kayna nanay ay tatay eh inisip ko nalang na kelangan kong mag-aral dahil once in  a lifetime opportunity lang ako bibigyan ni Lord na makapag-aral sa mamahaling school swerte ko nga dahil naging scholar ako kaya iga-grab ko na ang chance para matupad ang pangarap ko. 

----------------------

Pagbaba ko ng jeep galing sakayan,  Bumungad agad sakin ang napakalaking school ang Harrison University

Napanganga nalang ako dahil hindi ko naman inaasahan na ganito pala kalaki ang school na papasukan ko parang Malacañang. Andami pang mga estudyante ang mga nakasakay sa tsikot halos lahat . Ako lang ata ang naka jeep papunta dito eh medyo nahiya tuloy ako dahil pinagtitinginan agad ako unang pasukan pala. 

Ibang-Iba talaga ito sa school na nakita ko puro mga sosyal talaga ang nagaaral bibihira lang ang makikita mong hindi elegante pumorma , may kanya kanya  pati silang circle of friends at meron din kanya kanyang mundo. Sure na ako na mahihirapan ako mag-adjust sa school nato.

Pagpasok ko ng gate ay ti-nap ko muna sa machine yung ID ko ganun ka high-tech dito sa school nato. Mahigpit ang mga security hinding hindi talaga pwede ang outsiders dito. 

The Campus NERD to Campus QUEEN (TCNCQ) ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon