"Hey, I know what you're thinking right now and no, that will not happen, hmm? Trust me, Adira," sabi nito at yumakap muli sa akin. Kumalma naman ako sa sinabi nito at napabuntong hininga.

Ilang saglit pa kaming ganon ang posisyon when I suddenly yawned. Natatawa na lumayo ang aking kasama at tumingin sa akin.

"Okay, you kitten, go to sleep now." Utos nito habang hawak pa rin ang aking braso. Napakunot ang noo ko sa tinawag nito sa akin.

"What did you call me?" Tanong ko habang nakakunot pa rin ang noo.

"Kitten."

"Why?"

"Well, you yawned like a kitten." sabay tawa nito at ginulo pa ang aking buhok. Sinamaan ko ito ng tingin. Napailing naman ito.

"Go to sleep. I'll go home when you're already asleep." Sabi nito kaya tumango na ako at dumiretso sa kwarto. Sumunod naman ito sa akin at hinintay akong makatulog.

Nararamdaman ko na lang na bumibigat na aking mga talukap kaya napapikit na ako. Bago pa ako tuluyang makatulog ay may dumampi na malambot sa aking noo.

"Have a good night's sleep, cuore mio."

Bumalik ako sa aking ulirat ng may tumamang unan sa aking mukha. Nagulat ako at napaupo sa aking kama. Nakita ko naman si Dione na nakapamewang doon habang nakatingin sa akin ng naguguluhan.

"Hoy, Adira! 8 o'clock na! May balak ka pa bang pumasok? Dahil kung wala ay patay ka sa bebe mo!" Sigaw nito kaya inis akong bumaling dito. Umagang umaga, sinisira niya na araw ko!

Tumayo ako at dumiretso sa aking closet para kumuha ng damit. Hindi ko alam na malapit na pala akong ma-late. Nag daydream pa ako, shems.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko dito.

"Sasabay ako papuntang university!" Sigaw nito dahil nasa baba ito at paniguradong nakuha na naman ng pagkain sa refrigerator ko. Kakabili ko lang last week and alam niya 'yon kaya todo kuha na naman siya ng pagkain diyan.

Napairap naman ako sa sinabi nito. Dumiretso na ako sa banyo para maligo at maglinis.








Eight-thirty ng makarating kami sa university. Marami pa ring estudyante sa labas dahil may meeting daw ngayon ang mga professors. Nadatnan naman namin sila Soleil sa may tabi ng aming classroom at mukhang may hinihintay. Kasama nito si Ate Sid at Felicity.

"Hindi ba kayo busy?" Bungad ko sa mga ito. Para kasing hindi mga med student 'tong mga 'to kung makapunta dito. Pagkakaalam ko ay busy na sila sa dami ng kanilang ginagawa lalo na at mga graduating student sila.

"Hindi magiging busy makita lang si— there she is!" Saad ni Soleil at nakatingin sa kung saan. Sinundan ko kung saan ito nakatingin at nakita na si Astraea 'yon na may kausap na professor ngunit kay Soleil nakatingin... ng masama. Napangiwi ako.

Hinampas ito ni Ate Sid.

"Tumigil ka, Soleil Maeve! Ang creepy ng ngiti mo," saad ni Ate Sid dito kaya napasimangot si Soleil. Humagalpak naman kami ng tawa nila Felicity dahil ang priceless ng mukha nito pagkasabi noon ni Ate Sid.

"O, saya?" Blankong saad ni Soleil kaya napatikom ang aming bibig. Pinagtitinginan na rin kasi kami ng mga tao sa lakas ng aming tawa. Napailing naman sa amin si Ate Sid.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon