Girl 3: Oh my god!!! Ako yun! Ako yun. Ako naman ang magaling dito sa accounting eh.


Ang ingay naman!.


"Quiet pleasee! Hindi ko na patatagalin to. Magbalot kana jan at umalis para pumunta sa office ni sir jason Ms. Alice Rhein Sy.! Ngayon na!!."

Hah???? Ako???? Bakit ako.!??

"Ms. Alice naririnig mo ba ko? Sabi ko magbalot kana jan at gagamitin na ni Ms. Clarisse yang desk mo." Tumango nalang ako sakanya. Saka nagayos ng mga gamit ko. Ayaw pa din pumasok sa isip ko na ako magiging bagong secretary ni sir jason. Yung masungit na yun.!

Naman oh!!! Bat ba ang malas ko(╥_╥).


Naglakad na ko palabas ng mabunggo ko si clarisse.

"Tsk!! Mag-ingat ka naman. Tanga tanga!. Hindi ko alam kung bakit ikaw ang piniling maging secretary. Wala naman sa itsura mong maging secretary! Pero ito lang msasabi ko sayo.. Pansamantala ka lang kaya wag kang makomportable jan." Tinaasan nya lang ako ng kilay na akala mo diring diri saakin. Saka umalis sa harapan ko. Hayy.

Komportable????! Hindi nga ko makomportable eh. Ngayon palang kinakabahan na ko('・_・').


"Good luck bebe!! Chika tayo later ok." Ngumiti nalang ako ng pilit kay mattie.

Lord!!? Bakit ako pa..??

Nandito na ko sa tapat ng office ni Sir Jason. Hindi ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinagpapawisan na mga kamay ko. Hindi ko alam kung tatagal ba ko dito. Tapos makikita ko sya araw araw! Minalas naman ata ako nito.


Kaya mo yan alice!!!!


Huminga muna ako ng malalim saka kumatok...


Took.. Took.. Took..


"Come in."

Shit boses palang nakakatakot na.!


Lumunok muna ko saka ko binuksan ang pinto. Bumungad sakin ang lalaking nakatalikod sakin nakatanaw sa labas ng gusali. Napakalapad ng likod niya, lalaking lalaki kong tumayo. Ang dami sigurong nahuhumaling sa lalaking ito. Nilibot ko ang mata ko para makita ang kabuuan ng office ni sir jason, ang masasabi ko lang napakalaki nito para sa isang tao. Napakaganda nito at maaliwalas kung tignan. Nilibot ko ulit ang tingin ko at doon nakita ang isa pang lamesa.

Doon siguro ang lamesa ko.

Ang ganda dito! Nakakarelax. Ngayon palang kasi ako nakakapasok dito sa office ng CEO.

"Ehem.. Ehem.. Ehem.."

Ang ganda talaga. Kitang kita ang mga malalaking gusali sa labas. Ang ganda siguro kapag gabi na tapos makikita mo yung lights ng mga building.
o(〃^▽^〃)o ang galing!!.

"Miss Alice bingi kaba.?? Huh??? May sinasabi ba sya.?? Naintindihan mo ba sinabi ko.?" Nakapamewang na sabi ni sir.

Anu bang sinabi nya kasi. Ang tanga mo naman kasi alice. Para kana mang taga bundok sa ginagawa mo.(^_^;).

Jason sigh. "I said yan ang magiging desk mo." Tinuro nya sakin ang desk kung saan ako mauupo.

Tumango nalang ako sakanya saka naglakad patungo sa magiging desk ko. Inayos ko na mga gamit ko na biglang salitang muli si sir.

"Ahmmm. Ms. Alice???"

"Alice nalang po sir. Hehe(^_^)". Nakatungo kong sabi.

"Ok fine alice. Ang gagawin mo lang naman bilang secretary ko ay iremind sakin lahat ng mga meeting ko, pagtimpla ng kape, bumili ng pagkain ko at iba pang ipapautos ko. Naintindihan mo ba alice.??" Sir jason.


Anu ba yan!! Katulong nalang dapat ang hanap nya. Bwisit na lalaking to!. Ang boring naman pala ng magiging trabaho ko dito. Hayssss.


"Are you listening alice..??


"Ahhhh. Eeeh.. Yes sir." Ako.


"And one more thing alice. Inangat ko ang ulo ko at nakita kong papalapit sya ng palapit sakin. Ang lapit ng muka namin sa isat isa. Hahalikan ba nya ko???! No! No! Napapikit nalang ako ng wala sa oras at napakagat sa labi. Always pay attention! Ayoko ng tatanga tanga." Pagkatapos nyang sabihin yun, umalis nalang sya bigla. At ako


Napaupo nalang sa sobrang kaba. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Ang bilis bilis bilis.


Tug. Tug. Tug. Tug. Tug. Tug
Tug. Tug. Tug. Tug. Tug. Tug.....


Tama na puso ko.


Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala pinipigilan ang huminga. Nakakaintimidate syang tao. Nakakapanghina.


I sigh. Kaya ko to.!

----

THIRD POV

NEW YORK
2.35PM

"Kamusta na ang pagbabantay sakanya.? Sabi ko sa taong tagabantay nya.

"Ayos naman po sya sir. Katunayan po napakagaling nya. Bilib ako sakanya kasi napakatapang nya at independent." Paul said

"Good. Alam ko naman na makakayanan nya yun dahil yun ang kagustuhan nya. Ito ang pinili nya kaya nirespeto namin ang desisyon nya. Mahirap ang gusto nyang mangyari. I sigh. Bantayan mo syang maigi paul. Ayokong napapahamak sya." Tumango si paul saka lumabas na ng opisina ko. Pumupunta sya dito sa new york para ireport sakin kung anung nangyayari sakanya. Habang andito si paul, ang mga tauhan naman ni paul ang nagbabantay sakanya.

Mis na mis ko na sya. Ganun din si clara sakanya. Masakit at mahirap malayo sakanya. Wala kaming magawa sa kagustuhan nyang umuwe ng pilipinas para magtrabaho dun. Gusto ko lang ibigay sakanya kung anung ikakasaya nya. Hintayin mo lang kami. Magkikita din tayo jan sa pilipinas.

I cant wait to see you my princess rhein...

A/N:
Ayan!! Tapos na po ang chapter 3. Yehey. Hihihi. Alamin po natin ang susunod na mangyayari(≧∇≦)/. Sorry po sa wrong typos, spelling and grammar. Mahirap magtype sa cp. Hehehe. Vote and comment lang po. Salamat( ' ▽ ' )ノ


Until I Found You (CONTINUE & EDITING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt