Andito na kaya ang masungit na yun.?!
"Ahmmmm.. Kuya guard dumating na po ba si sir Jason.?" Ako
"Wala pa po maam. Bakit maam?". Kuya talaga tsismoso. Hihihi.
Yes naman! Wala pa sya. Kailangan kong mauna baka makasalubong ko na naman yun sa lobby. Ayoko pa syang makita. Masisira lang araw ko.
"Wala naman kuya.. Natanung ko lang po.. Sige po kuya pasok na po ako. Salamat ho ulet." Tumango nalang si kuya at ngumiti.
--
Sa office .....
"Good morning bebe alice." Si mattie habang nagpapaganda. Di matapos tapos kakaganda. Wala namang igaganda kasi pogi sya. Hihihi.
"Good morning din mattie!" Hinubad ko ang blazer ko at inayos ko na mga report ko. Kailangan ko pa naman tong tapusin baka mapagalitan na naman ako ni Mis Josie.
"Anu ba yan alice!???. Kay aga aga computer agad kaharap mo. Chillax ka lang girl.. Wala pa naman si Ms. Josie eh. Ang sipag sipag mo talagang babaitang ka." Mattie.
"Mas maganda na yung maaga matapos para naman matulungan ko pa yung ibang hindi pa tapos katulad mo. Diba hindi kapa tapos? Kaya tutulungan kita after nito. At saka alamo namang ayokong tumunganga lang dito habang kayo nagtatrabaho pa din." Ako
"Hay naku alice! Bakit ba ang bait bait mo?? Kanino mo ba minana yang kabaitan mo..??
Kay mommy. I miss my mom(╯︵╰,).
"Hay naku teh! Wag masyadong pairalin yang kabaitan mo ah baka may mangabuso nyan. Sabihin mo sakin kapag may nang away sayo, sasabunutan ko talaga mga buhok nila. Maipababa man o taas. Hahaha." Ngumiti nalang ako sakanya hahaba pa kasi ang usapan kung sasagot pa ko sakanya pero mahal ko tong baklang to sya nalang kasi ang meron sakin dito. Kapatid na ang turing ko sakanya.
Tinuloy ko nalang yung dapat kong ayusin na report baka kasi bigla pang sumulpot si Ms. Josie magalit pa sakin yun. Hindi naman ako natatakot sakanya, ayoko lang pinapagalitan sa harap ng kawork ko. Lagi pa namang galit yun sakin parang laging meron as if naman magkaka period pa sya hehehe. Ansama ko(*^▽^*).
"To all accounting department! Listen to me first. Mamaya nyo nalang tapusin yang ginagawa nyo. May ibabalita lang ako sainyo. May madadagdagan tayo at may mababawasan na empleyado." Sabi ni Ms. Josie.
Boy 1: Sana chics pre! Nakakasawa na kasi muka dito ng mga babae.
Boy 2: Oo nga pre. May maliligawan na din ulit ako. Haha.
Boy 1: Hoy pre! Ako muna bago ikw.
Boy 2: Paunahan nalang pre kung sino sasagutin.(smirk)
Mga lalaki talaga!
"Okay so.. Ang madadagdag satin si Mis Clarisse Sanchez secretary ni sir alexander pero dahil bago na nga ang CEO natin nakiusap sya sakanyang father na palitan ang secretary at dito sila nakapili ng bagong secretary ni sir jason." Mis. Josie.
Girl 1: Sana ako piliin nila! Mas prefer ko maging secretary nya. Ayiiieeee.
Girl 2: Ako mapipili nyan (cross finger)
YOU ARE READING
Until I Found You (CONTINUE & EDITING)
RomanceStorya po ito ng isang babaeng nangangarap makahanap ng isang true love. Nasawi man sya ng una pero hindi pa din sya sumusuko makahanap ng "Mr. Right Guy". Mahahanap pa kaya nya ang "Mr. Right Guy"????? sa kabila ng pagkamystery nya. Alamin po nati...
Chapter 3
Start from the beginning
