synopsis

1.1K 46 2
                                    


Made for you , Dave.


Hanggang saan ang kaya mong gawin para mapansin ka ng taong gusto mo? Isa ka rin ba sa mga nagpapansin sa social medias ng crush mo? O katulad ko na ginawan ng playlist ang crush ko.

Confession playlist kumbaga. Well crush na crush ko kasi talaga si Dave Tyla. Kaya naisipan kong gumawa ng playlist na para sa kanya. Isa akong manunulat at maraming nagbabasa ng akda ko pero para sa akin malabo pa rin. Malabo pa rin akong mapansin si Dave.

Ngunit dahil sa pagiging clumsy ko ay aksidente kong nagamit ang writer account ko sa pagpa-fangirl kay Dave. At nang mapansin niya ako , doon pa ako nawalan ng lakas para harapin siya.

Kaya gumawa ako ng panibagong paraan para makausap siya. Nagtago ako sa isang fan account at nagising na lang ako isang araw na alam na niya ang lahat tungkol sa akin.

Mula sa playlist na ginawa ko para sa kanya. Yung mga messages ko. Yung mga kagagahan kong nagawa dahil nagpapansin ako sa kanya. Oo lahat ng kahihiyan ko nalaman niya!

Kung paano niya nalaman? Hindi ko rin alam. Nagising na lang ako isang araw sikat na sikat na ang playlist ko.

Made for you , Dave.Where stories live. Discover now