SPECIAL CHAPTER🌿✨

Start from the beginning
                                    

Ano daw? May usapan sila ni Erik? Hanep, akala ko ba tatlo kaming magbestfriend dito, bakit may mga sariling plano silang dalawa na di ko alam?

"Teka teka, anong usapan ha? Tsaka saan tayo pupunta?"

Ngunit bago pa man makasagot si Yenggay ay may narinig naman akong pagkatok mula sa labas ng kwarto.

"Mommy, I'm hungry!"

"Wait lang anak! Kalma lang."

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto.

"Mommy, mi-mi." kalabit pa sa akin ni Asia na ibig sabihin ay gusto niya nang umimom ng gatas.

Shocks, alas otso na. Kaya naman pala gutom na ang mga junakis ko.

Kaagad akong bumangon para pagbuksan ng pinto si Arki at binitbit na si Asia para bumaba sa kusina habang hawak ko pa rin ang telepono ko.

"Oh ano nang nangyayari dyan? Keri pa ba ang buhay housewife, friend?" natatawang sabi ni Yenggay sa kabilang linya.

"Ikaw kasi ang tagal mong sumagot! Yung mga anak ko nagrereklamo na. Saan nga tayo pupunta?" sabi ko pagkalapag ko kay Asia sa upuan sa dining area.

Sinimulan ko nang magtimpla ng gatas niya habang ang panganay naman naming anak ni Erik ay umupo lang din sa isa pang upuan.

“Ayan, gawa pa! Gusto niyo ni Erik nang madami ah.” pang-aasar ni Yenggay, “So ayun nga misis, ibinilin ka lang naman sa akin nang magaling kong kaibigan. Ang sabi niya lang naman ay pag-relax-in kita today para sa espesyal na araw bukas.”

Bahagya naman akong napangiti.

“True ba? Dami namang alam, may paganyan pa ang tagal na naming mag asawa eh.” kunyari ay naiirita kong sabi pero ang totoo ay kinikilig na ako.

Mula noon hanggang ngayon, Erik never fails to take good care of me and our children. Spoiled niya pa rin ako sa mga bagay na gusto ko at kailangan ko. Kaya nga ni minsan, hindi ko naramdaman na hindi na ako maganda. Eme lang.

Happy wife, happy life ang motto ni Erik. Aba dapat lang ‘no. Ako kaya ang nag aalaga sa mga anak niya.

“Sus ang arte mo pero deep inside kilig na kilig ka na sa gimik ng asawa mo. O siya sige na, mag alaga ka muna ng mga bata ha? Susunduin na lang kita mamaya.”

Ipinatay na ni Yenggay ang tawag.

At dahil nga sa sinabi ni Yenggay ay sinimulan ko nang asikasuhin ang mga anak ko. Mula noon naman talaga ay sanay na ako na ako pa rin ang nag aalaga kay Erik at sa mga anak namin. Kahit na nandito naman si Ate Irene para alalayan ako sa mga gawaing bahay ay palagi naming pinag uusapan ni Erik na dapat sanay pa rin ang mga anak namin na kami ang nag aasikaso sa kanila.

Matapos kong pakainin at paliguan ang mga anak namin ay sakto rin namang dumating na si Yenggay. Dumaan muna kami sa bahay ng mga magulang ni Erik para iwanan si Arki at Asia dahil sabi nga ng magaling kong kaibigan ay araw ko ito para magrelax ako.

“Nay iwan ko po muna ang mga bata dito ha? Si Erik po kasi e, ang daming pakulo.” Pagkausap ko sa ina ni Erik.

“Sus ano ka ba, tama lang yan na magpahinga ka at gastusan ka ni Tenten ‘no. Magpabeauty ka kasi deserve mo naman dahil inaalagaan mo nang maigi ang pamilya mo. Alam ko naman na nakakapagod, diba? Naranasan ko yan eh tapos nagtatrabaho ka pa.” sabi ni Nanay sa akin.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now