SPECIAL CHAPTER🌿✨

Începe de la început
                                    

“Oh yun nga, ang aga pa bakit parang badtrip ka na kaagad sa akin?” nang aasar na sagot ni Yeng.

“Ang sakit mo kaya sa tenga. Kakagising ko lang nambubulahaw ka na.”

“Weh? Ako pa ang lolokohin mo, alam na alam ko na yan, alam ko naman na disappointed ka dahil sa pagtawag ko kasi hindi naman ako ang inaantay mong tumawag.” ani Yeng

“Luh? Anong pinagsasabi mo dyan? Tigilan mo nga ako.” maang kong sabi.

“Sus. Yun ba talagang boses ko ang dahilan kaya ka naiinis o may namimiss ka?”

Dahil sa sinabi niya ay bahagya akong napangiti. Well, ano pa nga ba at bestfriend ko siya kung hindi niya mababasa ang naiisip ko?

Sumandal ako sa headboard ng kama bago sumagot.

“Eeeh, hindi keye, di ko naman siya miss, slight lang.” maarte kong sagot kasunod ay tumawa.

“Hoy ang arte mo, Angeline! Kilabutan ka nga diyan sa pag-iinarte mo!” she screamed at kahit imagine-in ko pa lang ay alam ko na ang itsura niya sa mga oras na ito.

“Wow diring-diri ah. Ikaw ‘tong nag-umpisa ng topic. Ngayong pinatulan ka... hay nako, Yenggay.”

“Ewan ko ba, hanggang ngayon hindi pa rin talaga lubos na nagsisink in sa akin na nagkatuluyan yung dalawang bestfriend ko.” natawa na lamang ako sa sagot nito sa akin dahil parati niya namang litanya yan. Hanggang ngayon nga yata ay hindi pa rin sanay si Yenggay na makita kami ng asawa ko na sweet sa isa’t isa. Kahit naman ako, sino bang mag-aakala na kami pala talaga ni Erik sa dulo? “Miss miss ka pa dyan dalawa na ang anak niyo namimiss mo pa rin siya sa tuwing umaalis siya?” di makapaniwalang sagot ni Yenggay.

Nasa Iloilo kasi si Erik para sa isang private event kahapon at mayroon pa mamayang tanghali. Bale, mamaya ring gabi ang flight niya pauwi.

Kailangan niyang umuwi ngayon dahil importante ang araw bukas.

Excited na nga ako.

“Oo naman ‘no. Bakit ikaw, hindi mo na ba namimiss si Yan?” balik na tanong ko sa kanya.

Isang araw pa lang na wala si Erik pero miss na miss ko na siya haaay.

"Namimiss. Pero ikaw kasi ang tono mo sa pagkamiss mo sa kanya parang gusto mo pa ng pangatlong anak. Ang harot."

"Oh bakit? Gusto naman talaga namin ng pangatlo, mamaya nga gagawa ulit kami pag-uwi niya kaagad sa sobrang pagkamiss namin sa isa't isa eh. Joke." biro ko.

"Urgh, Angge!!! Nakakakilabot yung mga sinasabi mo, tama na nga." naiinis na natatawang sagot ni Yeng, "Oh speaking of pag-uwi ng iyong mahal na mister, kaya lang naman ako tumawag para sabihing aalis tayo ngayon."

Napakunot ang noo ko. Huh? Wala naman kaming usapan.

"Huh? Desisyon ka talaga kahit kailan. Wala naman tayong usapan na ganyan ngayon ah." sagot ko.

"Alam ko, pero kami ng asawa mo meron. Kaya sige na bumangon ka na diyan at pakainin mo na ang mga anak niyo para makatakas ka nang maaga."

Secrets Beyond the StarsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum