"Sorry, but I'm in a hurry." sabi ko saka pinindot ang elevator dahilan para bumukas ito. Agad akong pumasok, at bago ko pa maisara ang pintuan ay pumasok naman ito na syang ipinagtaka ko.

Hindi nalang ako umimik at pinindot nalang ang B2.

"Which floor?" tanong ko sa kanya dahil hindi naman sya pumindot.

"Basement 2 din. Iche-check ko lang si Valen. Wala pa ka---"

"I didn't ask."

Muli syang ngumiti sa akin. "Okay ka lang ba? anong nangyari sa mukha mo? bakit may mga pasa?

"Don't ask"

Natahimik naman sya. Sana naman hindi na sya umiyak. I don't want to be fooled again.

Ganun lang kami sa loob ng elevator. Nararamdaman ko ang pasulyap sulyap nya sa akin minsan pero hindi ko nalang ito pinansin. I don't want to be affected again.

Wait? anong ginagawa nya dito? and he's not with Thyme?

Nah. Nevermind.

Kuso (Damn it). It's already 12: 06 and I need to pick up Lia. I took my phone out para sana tawagan sya pero muli ko nalang itong ibinalik sa bulsa ng maalalang wala pala akong number nya. Di ko nga rin alam kung gumagana pa iyong cell phone nyang iyon.

At sa wakas Basement 2 na. Huminga ako ng malalim para makapaghanda sa pagtakbo ng bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si Lia kasama si Valen.

Wow, talagang nakalingkis pa sya sa braso nito.


Third Person's POV

"Yuto!" automatic na sabi ni Lia ng makita ang mga nasa loob ng elevator. Tatakbo na sana sya pero agad na hinawakan ni Valen ang kamay nyang nakahawak sa kanyang braso dahilan para mapatigil ito.

"Mag-ingat ka nga. Di mo ba inisip na kapag nadapa ka, madadapa din ako? Tsk. Jjajeungna."

Nabalik naman si Lia sa reyalidad kaya muli nalang itong napakapit kay Valen.

Maingat silang dalawa na pumasok sa elevator. Umusog si Yuto sa gilid kaya napausog na rin si Maicey sa sulok.

Pinindot ni Valen ang 18th floor saka tumingin sa dalawa. "Anong floor kayo?" pero wala namang sumagot sa tanong nya kaya si Lia na ang humarap sa kanya.

"Ano bang klaseng tanong yan? natural dun din sa party. Ano ka ba?"

"Akala ko kasi sa ibang floor sila pupunta. Alam mo na" saka ito napa-smirk.

"Hindi ko alam. Bakit? ano nga ba?"

"Ikaw talaga ang slow mo."

"Ga.. I mean oppa, gago ka ba?"

Nainis naman si Yuto dahil sa huling narinig nya kaya sumabat na ito bago pa muling makapagsalita si Valen. "I told you to wait, bakit hindi mo ginawa?"

This time, tumingala si Lia sa kanya. "Ine-expect mo talagang hihintayin kita? eh iniwanan mo akong mag-isa dun. Abnormal ka ba?"

"Sabi ko babalik ako. Babalikan kita." firm na sabi nito

"Pero hindi mo ginawa. Buti na nga lang nakita ko itong si.. oppa. Kasi kung hindi---"

"I said I'll get you!" mejo pasigaw na sabi nito na syang ikinagulat nila Lia at Maicey.

Napasmirk naman si Valen. "Puro ka kasi salita. That's what you get when you're a douchebag."

Pagkatapos ng kanyang sinabi ay natahimik ang paligid. Wala ng nagsalita. Kaya naman gri-nab na ni Maicey ang opportunity. "Lia right?" sabay bend nito ng ulo para mangitian si Lia dahil nakaharang si Yuto sa kanila.

Hart with Lav and ValentineUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum