May narinig akong yabag na papalapit sa akin pero 'di ko ito binigyan ng pansin at patuloy na inaayos ang gitara.

Someone cleared their throat but I didn't look up.

"Adira." Tawag sa akin ng kung sino.

"Hmm?" sabi ko habang inaayos ang gitara. Shit, may sira! Sinubukan kong ayusin ito pero maluwag talaga e.

"Can we talk?" Tanong muli ng kung sino. Napakunot ang aking noo.

"Not now. I'm fixing my guitar." sabi ko dito habang nakatingin pa rin sa gitar ng nakakunot ang noo. Kung kailan malapit na kami mag perform e.

"We need to ta—"

"Adira! Start na daw kayo!"

Tumayo ako at tinanguan ang tumawag sa akin bago bumaling sa taong kinakausap ko kanina.

"I'm sorry but I need to—"

Paglingon ko ay nagulat ako na si Ms. Aspen pala ang aking nasa harap. Bumilis na naman ang tibok ng aking puso kaya ni-tap ko ito na akala mo ay titigil 'yon. Masama ang tingin nito sa akin kaya napalunok ako.

"We're going to talk after this, Adira. No more excuses." Madiin na sabi nito at umalis na. Nanatiling nakatayo ako doon habang hawak ang aking gitara at parang napako na iyon doon.

Hindi ko inaasahan na siya pala 'yung lumapit sa akin kanina. Masyado kasi akong immersed sa pag aayos ng gitara, idagdag pa na kinakabahan pa ako na baka masira 'yung gitara in the middle of my performance.

"Adira!"

"Coming!" Sigaw ko at pinakalma ang sarili. Pinaayos ko muna ang aking gitara bago pumunta sa pwesto ng mga ito.

Kinakabahan ako na pumunta sa pwesto nila Jake na ngayon ay mukhang ready na. Bumaling sa akin si Jake at ngumiti.

"Nervous?" Tumango ako at ngumiti ng pilit.

"Don't be. She'll be watching and your family is also watching." Sabi nito kaya napatango ako sa sinabi at pinakalma ang sarili.

Okay, not helping. Lalo akong kinabahan when he mentioned na manonood siya.

"Okay! Eastwood, are you ready?!" Sigaw ng dalawang baklang emcee sa stage. Nagsisigawan naman ang mga tao na lalong nagpakaba sa akin.

"Nako, bakla! Balita ko ay gwapo ang drummer nito!" Saad ng isa na nagpatawa sa amin. Bumaling si Ace kay Jake. Napairap naman ang isa.

"Alam mo ba, Adi? May gusto 'yon kay Jake dati." saad ni Ace na natatawa kaya natawa na din ako. Sinamaan siya ng tingin ni Jake kaya natawa ako bago mapailing. Kahit kailan e napaka hayop nito ni Ace.

"They have a new vocalist balita ko!" Sabat ng isa kaya lalong nagsigawan ang mga tao na nanonood. Napangiti ako.

"Dalian niyo na!" sabat ng isang audience na nagpalaki ng mata ko. Natawa naman ang lahat

"Ito na nga!" Natatawang sabi ng emcee kaya natawa ang mga audience dito.

"Without further ado dahil excited si Kuya, let's call on our only band here in Eastwood. Please come up to the stage!" Sabat ng emcee kaya umakyat na sila Freyja sa huli ay ako dahil pinakalma ko pa ang aking sarili.

Inayos muna namin ang lahat bago magsimula.

Narinig ko ang mga sigawan ng mga tao. Nilibot ko ang aking tingin at nakita sa gitna ang aking pamilya kasama ang mga pinsan ko at sila Dione at Kale. Napangiti ako sa mga ito.

Hinawakan ko ang mic.

"Mic test... Hello!" Masigla kong bati sa mga ito kaya nagsimula na mag ingay ang nasa harapin namin. Maliit akong napangiti, still adjusting to the attention I'm getting right now.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Where stories live. Discover now