"Why?" Nagtataka nitong tanong habang magkasalubong ang kilay na nakatingin sa akin ng mariin kaya napapikit ako.

"I got scared and just push her out of my way to get inside..." Mahina pa rin na saad kaya napatingin ako dito.

Nakita ko na nakakanganga na ito while looking at me. Maya maya ay inis itong tumingin at binatukan ako ng sobrang lakas. Napadaing ako sa sobrang sakit! Grabe naman 'yon!

"Aray naman, Soleil!" Reklamo ko dito at hinimas ang ulo habang nakanguso.

"Ang tanga mo kasi! Ang sabi ko mag-confess ka, hindi mang kiss and run! Anak ng tupa naman o!" Naiinis na saad nito at ginulo pa ang buhok.

"O e, anong mukha ang ihaharap mo ngayon diyan sa professor mo?" Tanong nito habang nakapamewang. Napanguso ako at umiling.

"Ayan kasi! Ako nai-stress para sa 'yo, Adira." Inis na saad nito at stress na tumingin sa akin. I smiled at her, sheepishly.

"Nag panic kasi ako nung sobrang lapit niya na!" Nakanguso kong saad at malapit nang maiyak. Hindi ko na alam gagawin ko, jusko.

"Anong gagawin mo ngayon?" Sabi nito at umupo ulit.

"Hindi ko alam." Hopeless na sagot ko. Binatukan ulit ako nito. Nakakailan na 'to ha!

"Gaga, kausapin mo! 'Wag kang engot!" Inis na saad nito. Inis ko itong tiningnan. Hindi kailangan mang batok!

"Kakausapin ko naman eh! Hindi lang ako ready ngayon dahil nahihiya pa rin ako. Bukas na sa school." Sabi ko dito kaya napairap ito sa akin. Napatayo naman ito ng marinig na natunog ang aking phone titingnan niya sana iyon dahil wala ako sa mood na tumayo ngayon pero agad din napatili ng mahawakan iyon.

"Sino itong nata— hoy! Si Ms. Ferrucci 'tong Aspen, 'di ba?" Nanlalaki ang mata na saad nito. I sighed.

She has been calling me since last night and even gave me text messages but I chose to ignore it. As much as I want to answer and reply to her messages, I'm still not ready to face her. Pinangungunahan ako ng hiya ko.

Hinayaan ko ang tawag hanggang sa mamatay ulit 'to.

"Bakit hindi mo sinagot?" Tanong ni Soleil. Napatingin ako dito at napabuntong hininga.

"I told you, I'm not yet ready to face her." Sabi ko dito. Bumaba ako para kumain dahil 11:30 na. Sumunod naman si Soleil.

"Kailan mo balak kausapin yung tao?"

"I guess, tomorrow." saad ko habang nakuha ng kanin. Inalok ko naman ito kaya Soleil being the patay gutom that she is nauna pang kumuha sa akin ng ulam. Isang sulyaw pa eh favorite ko yung ulam. Sinamaan ko ito ng tingin.

Magsasalita na sana ako ng tumunog na naman ang aking cellphone, tumatawag na naman si Ms. Aspen. I sighed and turn off my phone.

I promise, I'll talk to you tomorrow.







Two days later...

Nung isang araw pa ang due ko na kausapin siya pero 'di ko pa rin siya nakakausap. Lagi na sa akin sinasabi ni Soleil na kausapin si Ms. Aspen pero lagi akong umuurong tuwing nakikita ko na siya. Pag kaya ko naman na kausapin siya ay may kinakausap siyang tao kaya hindi ko na ito makausap at nauuwi nalang sa pag-uwi ko sa bahay.

I sighed for the nth time today. I'm currently checking my acoustic guitar dahil tutugtog na kami mamaya. Pinahuli kami, pinapaabot nila hanggang 6pm para daw masaya.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Where stories live. Discover now