Chapter XXXIII

18.1K 603 118
                                    

"Don't choose the better person,
choose the person who makes you better."

NAKAKAPANIBAGO. Iyong dating buhay ko na papasok lang ako sa trabaho, uuwi, matutulog, nabago na. Halos hindi ako lumalabas ng mansyon. Ang mansyon kung saan ako lumaki. Napakalaki pero ramdam 'yong lungkot dahil ang dami kong memories dito na kasama ang tunay kong ama. Mas naramdaman ko pa lalo ang lungkot dahil nag iisa lang ako rito.

Tatlong araw na rin ang dumaan pero hindi na ulit bumalik si Aries. Mula nang gabing inihatid niya ako rito, wala na. Hindi rin siya tumatawag o kahit message lang. Ayoko rin namang ako ang maunang tumawag sa kaniya dahil wala naman talaga kaming relasyon.

He maybe stayed with me while mourning to my father and now, he's done with it. Baka iyon lang naman talaga ang purpose niya. Kung sabagay, may fiance siya.

I won't expect that he will left her for me. Dahil lang malungkot ako o nag iisa. I still can believe it when he told me he love me. I admit, naging masaya ako na siya ang nasa tabi ko no'ng down na down ako. Of course I would be happy, mahal ko e.

Noong isang araw ay tumawag si RJ na nasa US na siya and he told me that he won't go back until he gets the justice that my father deserves.

Laking pasalamat ko rin sa kanya sa totoo lang. Malaking parte ang ginampanan niya sa buhay ko.

I looked at my phone when I heard it's ringtone.

Kumunot ang noo ko nang rumehistro sa screen ang pangalan ni Ludwig. Why would he call me?

I answered the phone in my low voice. "Yes, hello?"

"Ano, Cassidy, kasi ano..."

"What?"

"Tanginang buhay 'to. Pinsan ko ang gago pero mali kasi. Ang gago magpapakasal na."

Napalunok ako. Wala man siyang banggitin na pangalan, alam ko na agad kung sink ang tinutukoy niya. Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko ay wala naman akong karapatang mag-react.

"Hindi naman sa dahil boto ako sa 'yo kaya sinusumbong ko sa 'yo pero ang gago kasi, alam ko namang ikaw ang mahal pero ang hindi ko maintindihan ay bakit iba ang pakakasalan. Tanginang buhay talaga, oo."

I smiled a bit. Pero nangingibabaw ang kirot sa dibdib ko. So Katarina is no longer a fiance. She will be the wife.

"If that's makes him happy, why not?" Sabi ko pero ang daming tanong na sumasagi sa isip ko.

Parang kahapon lang ramdam kong hindi niya ako iiwan, na para bang lahat ng bagay gagawin niya para sa akon then the next day, magpapakasal na siya sa iba. How... why...

"Hindi naman masaya ang gago! Tangina umaatungal pa kami sa mga tiyan ng nanay namin nung pinagbubuntis kami, kilala ko na 'yan kaya kabisado ko na 'yan. Alam ko kapag masaya si Aries. At alam ko at sigurado ako na hindi siya masaya sa desisyon niya ngayon. Baka naman pwede mong pigilan ang kasal?"

I don't even know how to answer him. Hindi ko tuloy alam kung nagbibiro ba siya o ano.

"I am not even a girlfriend, Ludwig. Anong karapatan kong pigilan ang kasal niya?"

"Try and try until you succeed, Cassidy. Mga gago kaming magpi-pinsan pero deserve naman siguro naming maikasal sa taong mahal namin. Although, wala pa naman akong minamahal ngayon. Pero fuck talaga si bro. Help him, Cassidy. Ikaw ang kahinaan ni Aries the fucker."

"So anong dapat kong gawin? Puntahan siya at pakiusapan siya na huwag siyang magpakasal sa iba? I wouldn't get that low, Ludwig. Lalo na't wala naman akong pinanghahawakan."

Casanova's Club #3: Beast in HimWhere stories live. Discover now