Chapter XXVI

24.1K 823 264
                                    

"Sometimes, I wish you were
in my place just to know how I feel."

HINDI ako excited na makakabalik ako rito sa FF Jewelry. Bukod sa naiilang na ako, ayokong makasama ulit sa trabaho si Mrs. Mercado.

Kahit sabihin ni RJ na magpahinga pa ako e hindi ko kayang maburyo lang sa unit. Shocked pa rin naman ako sa mga nalaman ko but I can't just sit there doing nothing. That's why I decided to go back to work.

"Cass! Na-miss kita grabe ka! Basta ka nalang nawala dito sa FF!" Sinalubong ako ni Harlene.

Mula nang mawala ako dito ay hindi ko rin siya kinontak. I know may pagtatampo siya. Siya lang naman kasi ang kaisa-isa kong kaibigan dito. Mas pinili kong hindi siya kausapin and all dahil ang hirap ding ipaliwanag ang mga naging kaganapan sa buhay ko.

"Well, you know I need to save the company." Sabi ko.

I looked at Rochelle na nakatingin sa akin mula sa table niya. What's with her look? Kitang kita sa mukha niya ang pagka-dismaya na makita ako dito. Tusukin ko kaya ng tinidor ang mata niya?

"Alam mo sa totoo lang, halos isumpa na kita at i-friendship over. Imagine, no text, call or even chat! Grabe ka, Cass. Grabe ka na 2021!"

Bahagya akong tumawa. "Baliw ka talaga. You know I have my reasons, Harlene."

"I know right. Kaya nga inintindi nalang kita 'di ba? Ang bait kong friend. How to be me? Pero alam mo, Buti bumalik ka na dito. 'Yang favorite workmate mo, nag-a-ala expert na at feeling great. Alam mo bang lahat ginawa niyan makuha lang ang loob ng mga ka-trabaho natin. Mula nang umalis ka dito, araw araw may pa-free coffee 'yan dito. Tapos s'yempre nagpapalakas. Sa akin hindi siya uubra 'no!"

"Let her." Sabi ko nalang saka inayos ang mga gamit ko sa table ko. "Buhay niya naman 'yan. She chose to step that low."

Habanv tinitingnan ko ang table ko ay parang taon na ang lumipas mula nang tumigil ako sa pagta-trabaho dito. How I missed this.

"Pero akala mo tapos na tayo? Huh! Magkukwento ka. As in from the top, Cass! Sleepover ako sa unit mo later ha?"

"Oo na." Sabi ko pero agad ko iyong binawi. "Hindi!"

"At bakit?"

Naalala kong kasama ko sa unit si RJ.

"Hindi ako uuwi dun."

"Umamin ka nga, may jowa ka na 'no?"

"Wala, gaga!"

"I believe meron talaga. May tinatago ka."

Makulit talaga siya. Literal.

"Wala nga."

Natigil lang ang pangungulit niya nang tawagin ako ni Charmaine⎯ka-trabaho namin.

"Miss Cass, tawag ka sa office ni Mrs. Mercado."

I rolled my eyes. Ano na namang ganap sa matandang iyon. Hindi ko pa nga pala siya ulit nakita.

"Gotta go." Sabi ko kay Harlene.

Tumango lamang siya.

I walked towards Mrs. Mercado's office saka pumasok ro'n. She is sitting on her table as usual.

"So you're really back."

Hindi, anino ko lang 'to?

"Yes." Kalmadong sagot ko.

I still want to respect her as our manager. Huwag lang talaga niya akong ibe-beastmode.

"Sa susunod, ayusin mo na ang trabaho mo. Maging mabusisi at maingat ka. Tingnan mo si Rochelle na pinagbintangan mo pa na siyang may kasalanan sa nangyari no'n. She improves a lot. Napakagaling na niya. Marami nang client na siya ang nire-request na mag-handle ng orders nila."

Casanova's Club #3: Beast in HimWhere stories live. Discover now