Chapter XXXII

20K 637 52
                                    

"You're both my comfort and my
light through my darkest times."

I TRIED to be strong pero aminado akong mahirap. Sobrang hirap lalo na't parang hindi mo na kinakaya ang sakit na nararamdaman mo.

Tinulungan ako ni Aries na asikasuhin ang funeral ni Papa. We stayed at the hospital hanggang mai-discharge ang katawan niya. Yes, I chose to cremate him dahil iyon ang nasa last will niya. His lawyer showed up and gave me a letter from my father.

Binasa ko iyon and all I did is cry in pain. His words... It's just hard to accept na hindi man lang kami nagka-bonding as a father and daughter. How I wish I could turn back time.

All his assets, his business, lahat lahat including his mansion kung saan ako lumaki, nakapangalan sa akin. Wala naman kasi akong pakialm sa properties niya. All I want is him. All I want is my father.

Habang nakatingin sa puntod niya ay hindi ko maiwasang manghinayang. Sa mga araw na narito siya, sa mga araw ma pwede ko pa sana siyang makausap at makatawanan, sa mga araw na maiparamdam ko man lang sa kaniya ang pagiging anak niya, sa mga araw na makasama ko lang siya bilang tatay ko...

"Baby, come here."

Nilingon ko si Aries. He's been with me mula pa sa hospital. Hindi siya umalis sa tabi ko and I appreciate him. I need his comfort, I admit.

Kanina pa tapos ang funeral pero para bang hirap akong umalis dito sa puntod niya. Nakatitig lamang ako na para bang umaasa pa ako na mabubuhay siya.

"You should rest, Cassidy. Let's go. You can go back here anytime. But for now, you need a rest."

Naiintindihan ko naman si Aries. Wala pa akong maayos na tulog mula nang mawalan ng buhay si Papa.

Humakbang ako papalapit sa kanya. He's just looking at me. Yumakap ako sa kaniya. I cried again.

"Hey... sshhh."

Ang dami kong pinagsisisihan. Ang dami kong sinayang na oras.

"S-Sana... sana noong time na nalaman ko na tatay ko siya, sana... sana kinompronta ko siya. Sana... e'di sana nagkaroon pa kami ng pagkakataon na magkasama bilang totoong pamilya. Sana man lang napasaya ko siya... sana..."

"Cassidy, your father won't be happy to see you like this."

Tama si Aries. Nasa letter ni Papa na alam niyang isang araw ay mawawala siya at kapag dumating ang araw na 'yon ay ayaw niyang iiyak ako o ilulugmok ang sarili sa kalungkutan. Pero hindi naman kasi madali e. Hindi madaling sundin ang gusto niya. How could I not cry? How...

Bumitaw ako kay Aries saka tumingin sa mga mata niya. "I will find them. I'll do everything para pagbayarin sila. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakukuha ang hustisya para kay Papa. I will do everything, Aries..."

He wiped my tears and nodded. "I'll help you do that but for now, give yourself a rest. Please?"

I took a deep breath. I turned around and looked again at my father's grave.

"You've done a lot things for me, Papa. I'll make sure to put them in jail and let them pay for what they did to you. I... will find them."

Pinunas ko ang luha ko saka muling tumingin kay Aries.

"I will go home."

"To your condo?"

Umiling ako. "To my father's house."

Tumango lamang si Aries saka hinawakan ang kamay ko. We walked out of the cemetery.

Nasa letter ni Papa na gusto niyang tumira ako sa mansyon niya. He asked me to take care of his house dahil para sa akin iyon. And he cherished the moment na doon ako lumaki.

Casanova's Club #3: Beast in HimOù les histoires vivent. Découvrez maintenant