Chapter XIX

23.9K 779 210
                                    

"Don’t break yourself just to
fit into someone’s life."

I AM TRYING to be strong. I am trying to hold my tears. Ayokong ipakita kay Aries na apektado ako sa naging desisyon niya. He wanted me out. Of course, may Katarina na kasi e. Ano pa nga bang silbi ko sa buhay niya?

"We're here."

Nag-angat ako ng tingin. Inihatid niya ako sa building ng unit ko. Hindi ako tumanggi kanina nang dabihin niyang ihahatid niya ako. Ayokong isipin niya na bitter ako. Gusto kong ipakita sa kaniya na okay lang sa akin at mas gusto ko ang naging desisyon niya.

I felt uneasy pero nagpakatatag ako. I am really here. I am back to where I belong.

Umayos ako saka bumaba ng sasakyan. Ayokong magsalita dahil alam ko sa sarili kong maiiyak lang ako. No, hindi maaaring makita niya akong nalulungkot. Dapat nga ay ipakita kong masaya ako dahil makakawala na ako sa poder niya.

When in fact, para akong durog na durog. Aminado naman ako may nararamdaman na ako para kay Aries pero pilit ko iyong pinigilan dahil alam kong masasaktan lang ako pero matindi 'yong puso natin e. Ang hirap pigilan.

Pero mas mabuti na rin siguro 'to. I am finally fuckin' free.

"Baka may nakalimutan ka sa unit." Aniya.

I looked at his face with pride. "Wala na. Kung may naiwan man ako, pakitapon nalang. Nadala ko na naman 'yong mga mahahalaga kong gamit."

"Alright." He said. "Thanks for being my assistant. Lander will deposit your whole salary in your bank account within this day."

Huminga ako ng malalim. "Okay."

Sumenyas siya na aalis na siya. Para bang balewala lang sa kaniya na ito na ang huling pagkakataon na magkikita kami at mag-uusap. Talagang wala lang ako sa kaniya.

Nakaalis na ang kotse niya pero nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kawalan.

Wala na talaga.

Muli akong huminga ng malalim saka hinila ang maleta ko papasok ng building. Sumakay ako ng elevator.

Okay lang naman ako. I want to loom at the brighter side. Sumasakit lang naman ang ulo ko kay Aries 'di ba? Walang Aries Palermo sa buhay ko. At least, malaki rin ang possibility na mawala ang anumang umusbong na nararamdaman ko sa kanya.

This is for the better.

Bumaba ako ng elevator saka dumiretso sa unit ko. I opened the door and locked it nang maipasok ko ang mga gamit ko.

Kahit nakakaasar na hindi man lang niya ako pinagbuhat ng gamit hanggang dito sa unit ko mismo. Ewan ko sa kaniya! Hinatid niya lang ako and that's it! Bittersweet ending.

Umupo ako sa sofa. Isinandal ko ang ulo ko sa sofa. Ang sarap din sa pkiramdam na makapagpahinga ng ganito. Iyong tipong wala kang dapat isipin or alalahanin tulad ng mga meetings and appointment ni Ariea. Tapos ngarag ka pa kasi kasama ka sa lahat ng lakad niya.

Napailing ako. I should stop thinking about him.

I pulled my cellphone from my pocket. I checked my contact list and deleted his number. Bitter na kung bitter but I think wala na namang dahilan para i-keep ko 'yon. Saka isa pa, wala naman nang maaaring maging rason para tawagan niya ako or ako para tawagan niya.

Kaninang umaga ay nasa unit ni Aries si Lander and I surrendered everything about Aries' work like schedules and papers. Sa sobrang sanay na ni Lander sa trabaho niya, alam na niya ang mga dapat gawin. Kung may kailangan man siyang alamin, siya ang tatawag sa akin at hindi si Aries.

Casanova's Club #3: Beast in HimWhere stories live. Discover now