Prologue

13.6K 282 66
                                    

A/N: Chance and Reed, here we go! If you'll gonna read this, I advise to read Hues of You first dahil may koneksyon ito doon. Pero kung ayaw niyo, edi don't basta pinaalalahanan ko na kayo.

---

Reed

"Leighton! Date tayo!"

"Leighton! Sabay tayong kumain para mabusog ka agad dahil ako makikita mo."

"Leighton! Anong gusto mo bukod sa akin? Pero alam kong ako lang yon."

"Leighton! Manliligaw ako ah! Pumayag ka man o pumayag, liligawan kita."

"Leighton! Pansinin mo naman mga efforts ko! Ay okay lang palang hindi kasi papansin naman talaga ako."

"Leighton! Gusto kita! Dapat gusto mo din ako kasi paladesisyon ako."

"Leighton! Wag mong payagan manligaw yung panget na yon sayo! Ay sige payagan mo pala para may kalaban naman ako."

"Leighton! Look at me! This isn't you! It's me and my heart knocking at your door."

"Leighton! Leighton! Leighton! Reed Leighton Cruz!"

Ayoko na.

Simula noong umamin siyang gusto niya ako, hindi na tumahimik ang buhay ko.

Alam kong makulit siya pero hindi ko naman inexpect na ganito siya kalala.

Chance Dea Sy, one of my bestfriends, ang living definition ko ng kabaligtaran ng ideal partner ko.

She's a player, which I really hate. The number one reason why I'm always turning her down. Ang dami niyang babae. Ilang kuweba na ba at perlas ang nasisid ng madumi niyang bibig? Too many to even remember.

A loud mouth, most of the time it irritates me. Hindi siya tumatahimik.

Sweet talker, this one I hate the most. Ilang beses niya na din akong nadala sa mga mabubulaklak niyang salita.

She's short, not too short but short compare to my ideal type.

She's a kid. A pain in the ass. I'm a kid too that's why we're not compatible.

But despite all of those reasons, I found myself waiting for her corny lines.

Waiting for her every glance.

For her every smile.

For her.

Every day.

Ang tagal kong tinakbuhan ang mga simpleng pagbilis ng tibok ng puso ko kapag nasa malapit lang siya.

Ang pagpipigil ko ng hininga kapag ngumingiti siya.

Ang pag init ng mukha ko sa mga simpleng banat niya.

At ang pagtakbo niya sa isip ko kapag hindi ko siya kasama.

Handa na nga ba akong sumugal sa taong noon ay hindi ko naman pinangarap na makagustuhan ko?

Will she break or make me?

Well, I'll never know if I'll never try.

With Chance, I'm now ready to take a shot.

Wish me luck.

---

A/N: Welcome back, mga marurupok!

-zyg

Take a Chance (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon