Maya maya ay nauhaw ako kaya tatayo sana ako para kumuha ng tubig ng bumaling muna ako kay Jake.

"Gusto mo ng tubig?" Tanong ko dito kaya napalingon ito sa akin at tumango habang malawak ang ngiti. Ngumiti rin ako at tatayo na sana ng magsalita si Miss Aspen.

"I want some water too."

Tumikhim pa ito pagkatapos sabihin 'yon at tumingin sa akin ng mapupungay ang mata. Lumingon ako sa katabi nito at nakita na nakatayo na ito siguro para kumuha ng inuutos ng professor ngunit napatigil kami ng magsalita muli si Ms. Aspen.

"I want Adi—, I mean Tuazon to get it for me." Sabi nito sa malamig na boses so I scoffed in disbelief. So pag nandyan si Serena, Tuazon lang tawag niya sa akin? I mentally scoffed and rolled my eyes.

"Go, get it yourself." sabi ko dito habang tinitingnan ito ng maigi sa mata at umirap pa. Nakita ko naman na nanlaki ang mata ng aming mga kasama. Wala na akong pake kung nakita nila 'yung ginawa ko.

Argh! Naiinis ako sa kaniya!

Umalis na ako doon at pumunta na para kumuha ng tubig. Malapit na ako sa kuhanan ng tubig ng may humablot sa akin. Pilit kong tinatanggal iyon ngunit sadyang napakalakas talaga ng babaeng 'to!

"Miss, teka nga!" Gulat kong sambit bago ako simulan kaladkadin. I started to feel nervous as I can see dark aura started to surround her. May pagkamahigpit din ang hawak nito sa akin that made me winced.

"Masakit! A-ano ba!" Inis kong sigaw habang kinakaladkad nito ngunit hindi ito natinag at mas lalo pang hinigpitan ang kapit sa akin. Nakarating kami sa opisina nito na parehas hinihingal. Hinawakan ko ang aking wrist dahil masakit iyon. Higpitan ba naman ang hawak doon!

"Inaano ka ba?!" I furiously stated while looking at her ngunit binigyan lamang ako nito ng malalamig na tingin. Napailing ako at aalis na sana ng opisina nito ng isinandal ako nito sa lamesa kaya nakahawak ang mga kamay nito sa lamesa, sa magkabilang gilid ko.

"You're not going anywhere." She hissed. I can see the frustration and anger in those green eyes pero hindi ako nagpatinag doon.

Pilit kong tinatanggal ang pagkakakulong ko dito pero sadyang napaka-higpit ng hawak niya sa lamesa, hanggang sa nilapat na nito ang isa niyang kamay sa gilid, enough to wrap her strong hands on my waist. Natigilan ako nang may naramdaman na kakaiba sa aking tiyan nang hawakan niya ako doon.

"M-Miss! Gutom na ako, please lang!" Sabi ko dito, pilit pa rin tinatanggal ang kapit nito.

"Are you really hungry or you just want to flirt with that guy? Hmm?" Sabi nito at inilapit pa lalo ang mukha, kaunting galaw namin ay magkakadikit na ang aming mga ilong.

"N-No. I'm just r-really hungry right now. So please, layo ka muna." Nanghihina kong sabi dahil napakalapit niya talaga. Ngumisi ito at mas lalo pang lumapit kaya napapikit ako. Ngunit ng napapikit ako ay naalala ko na magkasama kanina sila nung Serena ay nag-init na naman ulo ko.

Malakas ko siyang tinulak at galit na tumingin dito.

"What the hell is wrong with you, woman?!" Galit na sigaw nito dahil napaupo pa ito sa malapit na sofa.

"You're making me..." Napapikit ako, "I'm suffocating! That's why I pushed you—" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin.

Tumayo ito at lumapit sa akin. Madilim na ang mukha nito at handa na mang bigwas ng kung sino kaya napalunok ako. Wrong move, mga beh.

"Stop with that attitude of yours, Adira. I'm not playing with you," her thick Italian accent shows up as she stated that with fury on those green orbs. Sa kabila ng kaba na nararamdaman, naramdaman ko din ang kiliti sa aking tiyan when she said that.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Where stories live. Discover now