'Hayys! Ang wirdo talaga ni Lady Athy!'




Tinignan ko na lang si Butler Kajik nang marinig ang pagtikhim nito. Nginitian ko na lang siya atsaka tumungo.




"Yes, thank you. I'll go now."



Hindi ko na tinignan pabalik si tanda dahil lumulutang ang utak ko ngayon. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakarating sa kwarto namin! Hmm... Kailangan ko na pa lang matulog dahil susunduin ko pa mamaya si Lady Athy sa hospital!



 
THIRD PERSON'S POV



~at Chandler City, Mordovia (the second largest country in Pangaea)




Sa loob ng madilim na opisina ay eleganteng nakaupo ang napakagwapong lalaki na siyang pinaka-maimpluwensyang tao sa bansang Mordovia at sa buong Pangaea. Seryoso lang itong nakatingin sa ng stock market report na naka-flash sa screen ng kaniyang computer. 




Isang ngisi lang ang pinakawalan nito bago hinawakan ang kaliwang bahagi ng leeg niya kung saan doon nakalagay ang tattoo nito. Isa itong ahas na may bulaklak na desenyo na hindi naman kalakihan ang sukat para sakupin ang buong leeg nito.


Napatigil lang siya sa pangisi nang biglang pumasok sa opisina niya ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan niya sa grupo. Kung hindi niya nga lang nakita ang mukha nito ay malamang ay nakabulagta na siya sa sahig. Hawak-hawak kasi nito ang handgun niya na nakalagay sa ilalim ng lamesa nito.




Pagkapasok na pagkapasok ni Theo sa opisina ay agad na bumungad sa kaniya ang seryosong mukha ng kaibigan. Maging ang kulay lila nitong mata ay masama na nakatingin sa kaniya na para bang may ginawa siyang kasalanan.



"How's the trip?" Tanong nito sa malamig na tono na kinangisi lang ni Theo. Mabilis siyang umupo sa sofa na kaharap ng lamesa bago sumandal dito.




"It's good. I had already killed the spy in Atlante. It is a wise move that we take advantage of the other groups' plans for the assassination of Mr. Eckheart." Diretsong sagot ni Theo na agad bumalik sa pagiging seryoso.


"Hmm... You look happy. Something happened?" Tanong ng misteryosong lalaki nang makita na iba ang awra ng kaibigan.




"Oh, right, there's this amazing girl I've met in the hotel, Lucas..." Nakangisi na naman nitong sabi. Bahagya pang napataas ang kilay ni Lucas nang makita na naman niya ang mabilis na pagbabago ng emosyon nito.




"So, she knows that you killed the spy, right?"




"That's right." Sagot pa nito na parang wala siyang mali na nagawa. Lalo tuloy kumunot ang noo ni Lucas sa narinig. Tama ba naman na pakawalan mo ang babaeng nakakita ng krimen na ginawa mo?




"Why didn't you kill her?" Malamig na tanong ni Lucas na bakas ang panganib sa kaniyang tono. Ngayon ay nakasandal na ito sa kaniyang swivel chair habang hawak-hawak gold poker chip na nagkakahalaga ng milyong dolyar sa mga casino.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now