"I heard about what you did to the other maids." Bigla nitong sabi na tinanguan ko na ulit bilang pag-amin. Para saan pa kung nagsisinungaling ako diba? Ang dami kayang Elite guards na nakakita sa'king lampasuhin ang mga mukha nilang dinaig pa ang basahan sa dumi.





"That's right. Well, they deserved it." Sagot ko na lang habang pinapanatili ang pagiging kalmado sa oras ng tanungan session.





Sabi kasi ni Lady Heavenhell, kapag raw tinatanong ka ng mga hayop na pwede mong ikapahamak ay dapat daw magmukha kang nagsasabi ng totoo para daw hindi ka mahuli. Tinuruan niya pa ako kung paano panatilihin ang pagiging kalmado sa pamamagitan ng pagtatanong sa'kin ng mga tanong na halos ikaputol ng hininga ko.




Tama ba namang tanungin ka niya na kung sino sa mga young master ng Atlante ang kaya kong patayin? My gosh! Baka nga hindi ko pa nahahakbang ang paa ko ay wala na akong ulo. That's the scariest question I've ever heard in my twenty-three years of living!
 



Nagulat pa ako kung saan niya nakuha ang ideya na patayin ang isa sa mga young master. Minsan din talaga ay napapatanong na lang ako sa sarili ko kung nasiraan ba si milady ng ulo at kung ano-ano ang mga naiisip na ipagawa sa'kin.




Hindi ko namang magawang magtanong dahil lagi niyang sinasabi sa'kin na malalaman ko rin ang lahat ng nangyayari sa mga susunod na kabanata. Ako naman na nalilito ay napatango na lang din, dahil hindi ko alam kung ano bang kabanata ang sinasabi ni Lady Athy!



"Hey, I'm asking you! How is she now?"




Inis akong lumingon sa madaldal na butler na 'to. Nakita niyang may iniisip ang tao tapos ang lakas ng loob na sigawan ako. Hindi porket siya ang kanang kamay ni Lord Caventry ay matatakot na ako sa kaniya.




Sa mansyon na 'to, ang kinakatakutan ko lang ay si Lady Heavenhell at wala nang iba. Kahit na nakakatakot pa rin ang mga miyembro ng Caventry ay mas nanginginig talaga ang tuhod ko kapag si milady na ang tititig sa'kin.




'May something akong nararamdaman... Para bang kakainin ako ng dragon kapag pumalpak ako!'




"She's perfectly fine, butler." Sagot ko na sa kaniya na mukhang nagtataka na sa iniisip ko. Well, sa sobrang paghanga ko yata kay Lady Athy ay pati ang pagiging tulala nito ay nagaya ko na!




"It's nice to hear that Lady Heavenhell is doing well." Seryoso niyang sabi habang tumatango-tango.




Pasimple ko lang siyang tinarayan dahil ang sa pagmumukha niya. Kung hindi lang ako tinuruan ni Lady Heavenhell na huwag maging uto-uto ay malamang naniwala na rin ako na concern siya kay milady!




'Sinasabi ko na nga ba at si Lady Athy lang ang tunay na nagmamalasakit sa'kin. Hmmp!'



"So, do you still have questions, Mr. Butler? I'm tired 'cause it's only quarter to four in the morning and I'm sleepy." Diretso kong sabi dahil inaantok na talaga ako. Pakiramdam ko nga ay babagsak na ang talukap ng mata ko dahil sa antok.




"Nothing else. You may rest." Nakangiti na nitong sabi na tinarayan ko na lang. Ang plastik ng gurang na 'yon! Anong akala niya sa'kin pabebe?




Well, ang pabebe raw ayon sa bokabularyo ni milady ay yung mga maaarte na nakakainis at parang isip bata na malandi tignan. Sabi pa niya, 'yon din daw yung mga taong sarap ibaon sa lupa at ipakain sa mga crocodile.




Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now