"Adi---" 

"Isa pang sigaw, Dione, ako mismo sisira sa pinto at ihahambalos ko sa 'yo, peste ka." Inis kong saad bago mapahilamos ng mukha. Shuta, inaantok pa ako!

Buhat naman sa aking sinabi ay tumigil ito sa pagkatok at pagsigaw. Tiningnan ko ang orasan at nakita 5:30 palang ng umaga. Napapikit ako sa inis at bumaling sa pintuan na nakasara bago sumigaw ng galit sa kung sino man nandoon.

Tangina. Tangina talaga.

"Lumayo ka sa pinto, Dione, sinasabi ko talaga sayo!" Nanggagalaiti kong sigaw dito. Anak ng tupa!

"Hehe, sorry na." Bungisngis nito dahilan pa ng pagkainis ko. Kuhang kuha niya inis ko.

Narinig ko naman ang mga yabag nito pababa, papunta siguro sa living room. Naghilamos muna ako ng mukha at nag-sipilyo bago bumaba sa hagdan. Hindi ko na inabala na magpalit ng damit dahil si Dione lang naman 'yon.

Pagkababa ko ay dumiretso ako sa kusina para kumain. Nadatnan ko naman na nandoon na si Dione na nilalantakan na ang pagkain at si Kale na nag-cellphone. 

"Morning, Adi!" Sigaw ni Dione nang may laman pa ang bunganga.

"May pagkain ka pa naman sa bunganga, Dione!" Inis na sabi ni Kale at binatukan yung isa. Hindi naman ako makapaniwalang tumingin dito. Isa pang engot. Kita nang may pagkain sa bunganga yung isa binatukan pa.

Napakamot na lang ako sa aking kilay at binalingan si Manang.

"Manang, kumain na kayo?" 

"Wag mo ako alalahanin, iha. Ikaw ang kumain na." Sabi nito at binigyan ako ng plato. Kumuha na ako ng pagkain at nagsimula nang lumamon. Gutom na ako dahil hindi nga pala ako kumain kagabi dahil sa pagod.

"Ano nga pala kailangan niyo?" Tanong ko sa mga ito after uminom ng tubig at tiningnan sila ng mabuti. Ang aga nila dito sa totoo lang.

"Gala tayo." Sabi ni Dione at uminom din ng tubig. Napailing ako dito. Typical Dione.

"Balak kong mahiga at manood lang ng movie sa higaan ngayong araw, Dione." Sabi ko dito pinagkrus ang braso, pinanood ito kung paano napunta ang masaya nitong mukha sa pagkakasimangot. 

"Ang boring mo naman, Adira!" Naghihimutok na sabi ni Dione at nagpapadyak pa sa sahig. Pinipigilan ko na lang na tumawa sa pagkakataong ito dahil nakakatawa talaga ang mukha nito.

"Wala akong pera pang gala!" Natatawa kong saad dito.

"Napaka-kuripot mo talaga! Nakita ko yung wallet mo nung Friday, puno pa 'yon." Naasar na saad nito at nangigigil na tumingin sa akin. Natawa na ako ng tuluyan sa sinabi nito bago amuse na tumingin dito. Gigil yarn?

"Tinatamad ako, Dione!" 

"Dali na! Mabuburyo na ako sa bahay sa sobrang boring!" Tila nagsusumamong sabi nito sa akin kaya nagkatinginan kami ni Kale at sabay na humagalpak ng tawa. Para kasi itong iiyak na habang nag aaya. Kung makapag aya siya e sa condo naman niya siya natuloy, boring talaga doon.

Wala na naman siguro itong kasama sa bahay nila. Lagi kasing wala din yung parents nito dahil katulad ng parents ko ay mga doctor din ang magulang nito, yung tatay niya naman ay isa ring lawyer. Sana ol matalino, 'di ba?

"E saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko dito habang natatawa pa din. Pinipigilan ko nalang talaga tumawa dahil nakabusangot na ang mukha nito.

Ngumuso naman ito bago umiling sa amin, "Hindi ko alam." 

"Ang lakas mo mang-aya eh hindi mo naman pala alam kung san pupunta!" Sabi ni Kale at natatawa.

Namayani ang katahimikan sa aming tatlo. Nag-iisip kasi kami kung ano gagawin namin sa araw na ito nang bigla nalang sumigaw si Dione. Tiningnan naman namin ito.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Where stories live. Discover now