"So, how was Singapore?"

Biglang naging awkward ang pakiramdam niya. Gusto niyang itanong kung bakit mukhang malungkot ito pero ayaw niyang maging nosy sa lovelife ng pinsan. Mag-aantay nalang siya ng mga susunod na kabanata.

"Thankfully, everything went smoothly. Nagkaroon ng issue yung isang kontrata doon. Mabuti nalang kakilala ni Mr. Villamar yung may-ari. Nakuha sa mahabang usapan at matinding sorry," his voice is full of relief.

She flinched by hearing the man's name. Sa dinami dami ng taong pwede nitong banggitin bakit ito pa!

"That sounds great!" aniya. Hindi nito napansin ang pagbabago ng boses niya.

"I told you Rea that man is incredible! I didn't expect for him to help me out! Well, actually it's not him personally. Yung secretary niya ang nakipagusap. He said it was Mr. Villamar's orders," puno ng papuri ang boses nito para sa huli.

"Incredible my arse!"

She gave him an uncertain smile. Hindi siya nagkomento sa sinabi nito.

"Hey! I'm not try to pitch for him. I'm just thankful!" biglang sabi nito nang mapansin ang alanganing ngiti niya.

"Oh no! Even if you do, I'm sorry to disappoint but, I'm not interested at all. Never," she said in a clear voice. Irea silently applauded herself dahil hindi siya pumiyok sa pagkakasabi ng mga katagang iyon.

"Uhmm, ok. Just saying," makagulugang sabi nito na nakatingin sa kanya. Imbes na makatulong ang sinabi niya ay tila nakadagdag pa ito sa pagdududa nito kung anu ba talaga ang estado ng relasyon niya at ng binata.

Pinandilatan niya ito ng mata, "What?"

"Nothing!" painosenteng sagot nito.

Maya-maya ay tila may dinampot ito mula sa sahig. Pag-angat ng kamay nito ay may hawak itong paper bag. Nanlaki ang mata ng dalaga sa sobrang tuwa pagkakita dito. Nakatatak sa paperbag ang titulo ng isa sa mga paborito niyang anime.

"Is my debt considered paid?" Nakangising tanong nito sa kanya sabay abot ng hawak na paper bag. Todo ang ngiting inabot naman ito ng dalaga. Nagmamadaling sinilip niya ang laman nito. Tila batang napabungisngis siya sa nakitang laman ng paper bag.

"Yep! But not entirely!" Puno ng kasiyahang pananood siya ng pinsan nang ilabas niya ang figurine version ng bagong anime character na gustong gusto niya. Ayon dito ay mayroon daw anime convention doon sa hotel na tinuluyan nila sa Singapore at naalala siya nito kaya ito napabili bigla.

Masaya silang nagkukwentuhan nang lumapit ang isa sa mga empleyado ng cafe na may dalang tray. Nakalagay dito ang isang tasa ng kape para sa pinsan at frappe naman para sa kanya. Hinanap niya ang kaibigan mula dito. Ang sabi nito ay meron daw itong natanggap na tawag galing sa firm ng pamilya nito at pagkatapos nun ay nagmamadaling umalis.

Bigla namang bumalik ang lungkot sa mata ng kanyang pinsan. Nag-alala tuloy siya sa sitwasyon ng dalawa. Nang mangalahati ito sa iniinom nitong kape ay itinaboy na niya ito pauwi. Bumalik naman siya sa kanyang apartment. Kailangan niyang kausapin ng masinsinan ang kaibigan.

TANAW ni Irea ang kotseng nakaparada sa harap ng building na inuupahan. Napakunot ang noo niya sa pag-aalala kung meron ba sa mga kapitbahay niya ang nagmamay-ari ng saksakyang kagaya nito. Wala din namang bakanteng kwarto kaya sigurado siyang hindi ito bagong tenant. Pawisan ang dalaga sa dahil sa pagtakbo.

Noon ay pabalik na siya mula sa park kung saan siya araw-araw na nagjo-jogging. Napahinto sa paghakbang ang dalaga papasok sa apartment building nang mapagsino ang nakaupo sa receiving area ng lobby nito.

Vanilla Love ConflictsWhere stories live. Discover now