4

2 0 0
                                    

IREA stayed inside for 5 minutes more just to make sure that the coast is clear. Siguro naman hindi mag-aantay ng ganun katagal yung lalaki para lang lumabas siya. In the first place hindi naman sila magkakilala nito.

Sumilip muna siya bago tuluyang lumabas mula sa restroom at maglakad pabalik sa table nila ni Audrey.

Naabutan niyang maganang kumakain ang kaibigan. Kanina pa yata dumating ang inorder nila dahil halos mangalahati na ito sa kaninakain.

Tahimik siyang naupo sa harap nito.

Umangat ang tingin nito sa kanya at tiningnan siya ng masama.

"Wow, akala ko nakauwi ka na," patuyang wika nito.

"Hindi no! Sumakit lang tiyan ko," palusot niya. Dinampot niya ang kutsara at tinidor para magsimula na ding kumain.

"O, akala ko ba masakit tyan mo? Alam mo para kang ewan, nakikipagkilala lang yung tao bigla mong tinakbuhan. Talo mo pa may utang sa bumbay eh," sermon ni Audrey sa kanya.

Nag-iwas siya ng tingin dito. "Bakit naman ako tatakbo, aber?"

"Style mo Iredea. Kilala na kita, may nangyari bang hindi ko alam?" dudang tanong nito sa kanya.

Kapag nakapag-umpisa na sa pag-usisa ang kaibigan wala na itong katapusan.

"Wala ah! Sabi ngang hindi ako tumakbo. Naki-upo lang yun sa table ko."

"Eh, anong tawag mo sa ginawa mo?" tanong ulit nito sa kanya.

"I don't know. Bigla lang hindi naging kumportable yung pakiramdam ko," pag-amin niya.

In her book, the first-time encounter can be considered as a coincidence, kasi mukha namang napadaan lang noon ang binata sa lugar kung nasaan ang cafe ng kaibigan. Second time meeting, can be an irony. Lastly, third time or more is a curse. Ibig sabihin ang taong ito ay walang magandang maidudulot sa kanyang buhay. Kaya dapat niya itong iwasan.

Sa totoo lang hindi din niya maintindihan ang sarili. Kung tutuusin wala nga namang masama sa ginawa ng binata. All of a sudden, she felt cornered when he oferred his hand. Wala sa intensyon niyang bastusin ito. Sana lang hindi na sila magka-engkwentro pa.

IREA spent time contemplating how in the world does she always ends up with the same guy in the same situation.

Bilang walang magawa ay naisipan niyang mag-grocery para i-refill ang kanyang pantry. Iniwan niya muna ito saglit sa baggage counter at bumaba sa food court para kumain. Nagutom siya kaka-ikot para mamili.

She's innocently enjoying her meal when she noticed a commotion in the premise. May taong pinagkakaguluhan sa bandang entrance ng foodcourt. Ipinag-kibit balikat lang iyon ng dalaga, marahil ay may naligaw lang na kung sinong sikat sa loob ng mall.

Naiwan sa ere ang pagsubo ng dalaga nang mapagsino ang pinagkakaguluhan.

It was Santi. Malapad ang ngiti nitong naglalakad patungo sa direksyon niya. What the! Nakaramdam na naman siya ng tila naghahabulang daga sa kanyang dibdib.

"Hi! It's a pleasure to see you again Irea! Can I sit here?" Bakas sa boses nito ang pagkatuwa.

Alanganing ngumiti ang dalaga, "Y-yeah, sure!" Wala na din naman siyang nagawa dahil umupo na din ito sa harap niya. Why is that she feels like she's in the wrong place at the wrong time.

"I hope you're not going to run away again," anito na hindi parin nawawala ang pagkakangiti.

"Pardon?" Tuluyan nang ibinaba ng dalaga ang kutsara imbes na isubo ito.

"Oh, don't get me wrong," he said in a defensive stance. Itinaas pa nang bahagya ng binata ang dalawa nitong kamay. "Last time kasi nalingat lang ako, bigla ka nalang nawala." dagdag pa nito.

His last words made her speechless. Irea didn't expect the guy to be this blunt. She tried to clear her throat. But before she could even utter a word muling nagsalita ang kaharap.

"Do I look scary to you?" tanong nito sa kanya with a somber face.

Hindi matandaan ng dalaga kung ilang beses siyang kumurap kurap bago magsalita.

"No, you're not and what made you think that I ran away?"

Bakit ba pakiramdam niya ay inuusig din siya nito kagaya ni Audrey. Was it that obvious that she ran away?

"Well, I'm relieved to hear that. I was hoping to get to know you more." Santi said in a somber face.

Tila nanlamig ang likod ng dalaga sa narinig. She's loss for words.

For the longest time, it never occurred to her to be in this kind of situation again. Hindi naman siya naging bitter sadya lang talagang iwas na siya pagdating sa pakikipagrelasyon. After her break up with Dave she felt detached from the everything. And one day her indifference to the opposite became worse.

"I don't know how to say this without offending you but I can't think of any other words to say. It's not my thing to talk to random strangers. I don't mean to be rude but I'm not interested," may pinalidad na wika niya.

Bumagsak naman ang balikat ng binata sa narinig. To be honest he was caught off guard. Ito ang una at natatanging pagkakataon na nasabihan siya ng ganito. Most of the girls he had shown interest to was swoon the very moment.

"Wow, that was smooth," tanging sambit ng binata.

Irea saw a shadow of disappointment written in his face. For a split second she felt a bit sorry for him which she dismissed immediately. Mas maigi nang umpisa palang ay nagkakaintindihan na sila.

"I just felt like I need to give you a straight forward answer. I don't play with words," aniya.

Tumikhim muna ang binata bago nagsalita, "Me neither. Which is why I like you even more. Pagbibigyan kita this time and let's have fate decide. But beware Irea because next time I see you I'm never letting you go. Remember this is our third time meeting each other," makahulugang saad nito.

Napamaang ang dalaga sa narinig. May fate pang nalalaman ang lokong ito! Wala siyang pakialam kung magkakampi man ito at ang tadhana. Basta isa lang ang nasisiguro niya, ito na ang huling beses nilang pagkikita. Kasehodang magkulong siya sa bahay niya at magpadeliver nalang ng pagkain ay gagawin niya huwag lang magkrus ang landas nila.

"In that case, don't set your expectations too high. Fate has way of goofing around." Hindi na niya napigilan ang magsungit.

"Exactly! So I guess I'll be seeing you around more often. For now mauuna muna ako. Until our next encounter Irea," anito bago tuluyang tumayo at naglakad palayo. His amusement is very evident in his smile.

Noon lang niya napagtanto na pinagtitingin pala sila ng mga tao sa paligid. Ibinalik niya ang tuon sa pagkain at tahimik na sumubo.

It's hard to pinpoint the reason but she sure smells trouble and the guy is the incarnate. Pinaglalaruan nga ba siya ng tadhana? Magsisimula na bang magulo ang tahimik niyang mundo? 

To be continued ...

Vanilla Love ConflictsWhere stories live. Discover now