5

2 0 0
                                    

"RUEBEN, tell me the truth. Do you find me disagreable?" seryosong tanong ni Santi sa nagmamanehong PA/Secretary habang nakatingin siya sa labas ng bintana.

Noon ay nasa biyahe na sila patungo ng opisina. Binisita niya ang isa sa mga branch nila ng beauty products sa mall kung saan niya nakita si Irea. It was totally unexpected.

Strangely enough, he always finds himself drawn to her each time he sees her. Gustuhin man niyang pigilan ang sarili pero hindi niya magawa. She's like the opposite pole of the magnet na sa tuwing nakikita niya ito ay nahihila siya palapit dito.

'But what's with the attitude?' he thought.

"This is new! Something is bothering the mighty Jacob Santiago Villamar or should I say someone," anito. Nasulyapan niyang tiningnan muna siya nito sa rearview mirror bago ito sumagot.

"Answer me," aniya dito ignoring his snide remark.

Tinapik-tapik nito ang manibela na tila ba nag-iisip ng isasagot sa kanya, "Well, maliban sa nadadamay ako sa pag-oovertime kapag sinusumpong ka ng pagiging workaholic mo. I guess wala naman na."

He shot him with a dagger look.

"Then why does it seem like she hates me? She doesn't even know me well."

Biglang namang napa-apak sa brakes ang kanyang Secretary. Muntik na siyang masubsob sa lakas ng pagkakapreno nito. He was about to tell him to watch it. Pero pagtingin niya dito nakatitig ito sa kanya with a disbelief expression on his face. Nahimasmasan lang ito nang may bumusinang saksakyan sa likod nila.

Muli nitong ibinalik ang atensiyon sa pagmamaneho at nagsimula na sila umusad.

"So, someone is really bothering you, huh," he said, confirming his own speculation.

"Who is it? Do I know her?" sunod-sunod na tanong nito.

He gave him an impassive look in the mirror and remained silent.

"Hey man, it's been a while since I saw that troubled face of yours! I deserve some details here," anitong lumingon kanya.

Rueben is one of his closest friends during college. Madalas sila noong magkasama kahit pa magkaiba sila ng kurso dahil magkakwarto sila sa dorm ng pinapasukan nilang kolehiyo. At noon ngang naging Presidente siya ng kanilang kompanya kinuha niya ang kaibigan bilang personal assistant at secretary.

"Hey! Eyes on the road!" singhal naman niya dito.

"Where did you meet? And why does she hate you? May ginawa ka bang kalokohan?"

"May plano ka bang magpalit ng trabaho? Sa tingin ko bagay sayo maging kolumnista ng tabloid," Numero uong usisero din ang kaibigan niyang ito.

"Whoa! Easy! Nagtatanong lang!" natatawang kambiyo nito na tila ba nag-eenjoy sa pang-aasar sa kanya. Bahagyang bumagal ang patakbo nito dahil noon ay papasok na sila sa basement parking ng building na pag-aari ng kanilang kompanya.

"Not that I'm aware of. Nakikipagkilala pa nga lang ako eh."

"Ah, it's either of the two, nakulitan sayo o hindi ka type. Or both?" pambubuska nito sa kanya.

"Fuck you! You really want to lose your job, don't you?" may halong pagbabantang sabi niya.

"Bro, walang usapang trabaho dito. I'm just helping you to figure out bakit inis si mystery girl sayo. Isa pa mukhang hindi yata gumana ang charm mo sa kanya."

"Shut up! Fate is on my side."

Natawa si Rueben sa sinabi niya.

"What! Since when did you believe in fate?"

"Since I first saw her, I guess."

While it's true that he was interested since he first saw her, what happened earlier became the game changer. And to be honest he felt amused. It was refreshing na may naglakas ng loob na magsungit sa kanya. Crazy as it may sound but he felt like captured.

Tiningnan siya ng kaibigan na para bang tinubuan siya ng sungay sa noo.

"Did you eat something bad last night? Kung hindi lang kita kilala, iisipin kong ibang tao ka," nakakalokong tanong nito.

"Kung wala ka lang ding matinong sasabihin!" Nauna na siyang lumabas ng sasakyan.

Nagmamadaling sumunod naman ito sa kanya papuntang executive elevator. May meeting siya ngayon sa isang ad agency. Mabuti naman at hindi na siya muling kinulit ni Rueben nang makarating sila sa floor na inookupa ng opisina niya.

KATATAPOS niyang pirmahan ang huling dokumento sa bunton ng papel na nasa desk niya nang tumunog ang intercom.

"Sir, nandito na po si Mr. Ilustreo," anunsiyo ng isa sa kanyang sekretaryo.

"Good. You can send him in and bring us coffee. No, ask him what he likes and bring me my coffee."

Sinipat niya ang suot na relo. Dumating ito ng mas maaga sa naka-set na meeting nila. Maya-maya pa ay pumasok na ka-meeting niya. Sa tantiya niya ay magkasing edad lang sila nito. Tumayo siya at sinalubong ang binata.

"Thank you for agreeing to meet in such a short notice Mr. Ilustreo. Please sit down."

Kinamayan ni Santi ang lalake pagkatapos ay iminuwestra niyang maupo sila. Pinasadahan niya ng tingin ang kaharap. He is the owner of F Advertising. It is a medium scale but thriving ad agency recommended by one of his friends.

Kasabay ng kanilang annual day ay ang pagbubukas ng bagong chain ng kanilang luxury hotel that will be under their trade name. For a new approach naisip niyang mag-comission ng ibang ad agency para i-promote ang inauguration nito.

"It's alright Mr. President. I don't have any schedule this morning anyway and please call me Dan," anito na tinanggap ang pakikipagkamay niya.

"I will go straight to the point," panimula niya. "Four months from now will be the inauguration of our new luxury hotel and I want you to be in charge with all the promotions," he continued in his usual business tone. Sa lahat ng pinagpilian nilang kandidato para sa proyekto.

Their company's track record is one of the best. Kahit hindi gaanong matunog ang pangalan ng agency nito ay madami na itong naging kliyente na sikat at kilalang brands. There is nothing but good reviews from their former clients. Isa sa mga nakaaagaw sa atensiyon niya ay ang review ng isang sikat na brand ng clothing line pagdating sa punctuality ng kompanya sa paggawa ng proyekto. Never pa umano silang lumagpas sa deadline.

"It would be an honor Mr. President! We will do our best. Give me 3 days and I will get the contract ready," nagagalak na sabi nito. The guy remained calm and composed pero halata sa boses nito ang hindi maitagong excitement.

"There's no need to rush for now. I will have my secretary to send you the necessary inputs," saad niya.

Tumagal pa ng 20 minutes ang pag-uusap nila. Nalaman niya dito na ang agency din pala nito ang naghandle sa successful na rebranding ng S Hotel na nasangkot sa isang eskandalo nuong nakaraang taon. Ngunit dahil sa magandang PR na ginawa ng kompanya nito ay back to business ulit ang nasabing hotel.

It's not all the time but he feels good about this new project. Magaan ang pakiramdam niya at sa tingin niya ay tama ang naging desisyon niyang kumuha ng panibagong advertising partner. Some may not agree with what he did but to hell with them. Nothing can prevent him when he sets his mind on something.

Sa isiping iyon bigla niyang naalala ang mukha ni Irea.

'I wonder when will be our next encounter Irea. I'm really looking forward to it,' nakangiting bulong niya sa hangin.

To be continued ...

Vanilla Love ConflictsWhere stories live. Discover now