6

2 0 0
                                    

ABOT tenga ang ngiti ni Irea habang naglalakad patungo sa The Coffee Krypt. Bago tumungo sa lakad ay naisipan niyang sumilip muna sa café ng kaibigan. Magkikita sila ngayon ng pinsan niyang nagmamay-ari ng isang advertising agency. Ito ang madalas na kumontrata sa kanya lalo na kapag mga bigatin ang kliyente ng kompanya nito.

"Bakit ikaw ang bantay ngayon?" Humila siya ng upuan at pumuwesto sa harap mismo ng counter.

"Umuwi si Jessica sa probinsya. May emergency daw sa kanila. Anyway, 'san ang lakad mo? Ba't bihis na bihis ka?" Tanong nito. Nakasuot ito ng beige na apron na may logo ng cafe. Abala ito sa paglalagay ng chocolate syrup sa plastic cup.

"Punpunta ako kila Kuya Dan. May presentation kami para sa bagong gig," excited na saad niya.

Pinasadahan siya nito ng tingin.

"So, ibig sabihin all this time nakakulong ka lang sa bahay mo. Aba, halos isang lingoo na ako dito sa café ngayon lang kita nakita. May tinatago ka bang ginto?"

"Bawal bang maging busy? May mga tinapos akong project." pagdadahilan niya.

"Kunwari ka pa. Ayaw mo lang gumawi dito dahil baka matsambahan ka ni Santi. Anu bang kasalanan sayo nung tao at kung makaiwas ka eh wagas?"

Kahit kailan talaga matalas ang pakiramdam nito. Tinotoo niyang hindi muna lumabas ng ilang araw dahil baka magkrus ang landas nila ni Santi. Mahirap na baka kung akung gawin ng huli. Base kasi sa huling pagkikita nila. Tila pinagbantaan siya nito.

Tinaasan niya ito ng kilay, "Excuse me! Sinong may sabing umiiwas ako? Audrey Nepumuceno, stop playing cupid. Hindi bagay sayo!"

"Bruha! Bihira ka nalang makabingwit ng ganung kagwapong lalake no! Tsaka mukhang mayaman pa! Kung ako sayo jo-jowain ko yun pag nanligaw. Mukha ngang nabihag mo eh. Iba yung lagkit ng tingin sayo bez!" kinikilig na pahayag ng kaibigan.

"Tch, mas pipiliin ko nalnag magpakasubsob sa trabaho para yumaman at nang hindi ko na kailangang magjowa pa ng mayaman!"

Pinandilatan siya ni Audrey dahil sa sinabi niya. Gumanti naman siya ng napakatamis na ngiti.

Wala ka na ba talagang balak magfull time ulit?."

Lumabi siya. Career wise – kuntento na siya sa pagiging freelancer. Ang binabalak ng dalaga ngayon ay pumasok sa negosyo pero wala pa siyang naiisip kung anong negosyo ang itatayo niya. One of these days she will sit down with Dan and discuss her ideas.

"Naah, masaya na ako set-up ng tarabaho ko. Wala pang makulit na boss," aniya habang pinapanood parin ang kaibigan. Alam niyang para sa kanya ang ginagawa nitong frappe.

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin eh. I know na-eenjoy mo yang ginagawa mo. Ang sakin lang kumusta naman ang social life mo. Marunong ka pa bang makisalamuha sa mga tao? Aba! Ilang taon ka na ding nakakulong sa bahay mo! Kung hindi pa kita aayaing lumabas hindi ka pa lalabas." Mahabang litanya ni Audrey.

"Grabe siya! Lumalabas naman ako. Social life? Psssh!" aniya na hindi apektado sas ermon nito.

"At saan ka naman nagpupunta aber? Dito lang din naman! Nakatungaga sa isang sulok! Ilang taon ka na ba sa akala mo? Nabuburo ka na gurl! You need to get out there and look for Mr. Right, paano ka magkaka-love life niyan? Hindi ka mabubuntis ng apat na sulok ng bahay mo no!"

There you go! Sabi na nga ba sa pag-aasawa na naman ma-uuwi ang sermon nito. Daig pa nito ang Tita niya sa pagbubuyo sa kanyang makipag-date para magka-jowa.

Sa totoo lang hindi na talaga sumasagi sa isip niya ang pakipagrelasyon. She has already moved on from Dave. Hindi din naman siya bitter sa mga lalake. Sadyang mailap sa kanya ang ideya ng pag-ibig.

If it's her fate to be single for life then she would rather accept it kesa naman pilitin niya kung wala talaga. Paulit-ulit lang siyang masasaktan at ayaw na niyang mangyari yun. Sapat na yung minsan para matuto ka sa buhay. One strike out lang siya pagdating sa pagtitiwala at pagmamahal.

"Minsan talaga naiisip ko baka ikaw ang re-incarnation ng nanay ko. Wagas ka makasermon sakin," pang-aasar niya sa kaibigan.

"Tse!" Pairap na sabi nito sa kanya saka inabot ang frappe na ginawa nito sa kanya.

Matamis ang ngiting tinaggap ito ng dalaga.

"Thank you! Kaya mahal na mahal kita eh! Ikaw lang sapat na! See you later!" aniya at umalis na bago pa makaisip ang kaibigan ng isesermon ulit sa kanya.

Iiling-iling nalang na tiningnan ni Audrey ang papalayong kaibigan. She's really worried about her.

Dalawang beses lang niya itong nabitbit sa group date na pinuntahan niya. Pagkatapos nun ayaw na nitong sumama sa kanya. Mabuti at kahit papano game itong sumama sa mountain climbing actvities niya. Pero kadalasan puro lang din mga babae yung nasasamahan nilang grupo.

'Asan na kaya si pogi. Makasabing gagawi dito pero wala naman, mukhang drawing din yung isang yun eh,' nakanguso niyang bulong sa sarili.

Napabuntong hininga nalang ang dalaga. Kung hindi ukol ay hindi bubukol. Bahala na si tadhana. Mag-iinventory nalang muna siya bago pa magsidatingan ang mga customer. Kinuha niya ang folder kung saan naka-encode ang listahan ng supplies nila. It's going to be a long day for her.

NASA taxi na si Irea nang matanggap ng text message mula sa pinsan.

(Dan): REA can u go to the client's office by urself? There's too much traffic. M still on the road. I'll meet you there.

(Irea): Sure, no prob! See ya! Tc!

Ang usapan nila ay mag-ta-taxi siya papunta sa opisina nito at sabay silang tutungo sa opisina ng kliyente nito. Mukhang malaking project ang bagong gig na ibinibigay sa kanya ng pinsan.

Itinext nito sa kanya ang kumpletong address ng building kung nasaan ang opisina ng kanilang kliyente. Wala pang kinse minutos ay nakarating siya dito. Pagkababa mula sa taxi ay sinipat ni Irea ang kabuoan ng gusali. Hindi nga siya nagkakamali, ang building na ito ay pag-aari ng isa sa mga pinakamalaking conlomerate business sa bansa.

She felt excited. Panibagong dagdag na naman ito sa kanyang portfolio. Pag naging successful ang proyektong ito tiyak niyang pwede na ulit siyang magtaas ng rate. And soon enough makukumpleto na niya ang savings para sa pagpunta niya sa Japan. Magaan ang mga hakbang ng dalaga na nagtungo sa entrance ng hotel.

Little did she know that today is the day that Santi has been looking forward to. Lucky for him but how about her?

To be continued ...

Vanilla Love ConflictsWhere stories live. Discover now