Chapter 15

1 0 0
                                    

(Dan) Just arrived at the airport. Sorry I got so busy pagdating namin sa Singapore office. I'm assuming everything went well with the meeting.

Kakabalik lang ni Irea mula sa pagjo-jogging nang makatanggap ng mensahe mula sa pinsan. Nagtagal ng isang linggo ang inilagi nito sa Singapore kung saan nagkaroon ng aberya ang branch ng kaniyang kompanya.

(Irea) There was a slight change but everything was fine. I took ur car home. Want me to pick u up?

Ang totoo nawala sa isip niyang i-update ang pinsan. She wanted to clear her mind, so she went on a solo vacation for 3 days. Nagpabook siya sa isa sa mga island resort na matagal na niyang gustong puntahan. Sinadya niyang patayin ang cellphone upang hindi siya maistorbo. Of course, ipinagbigay alam niya kay Audrey ang activities niya. Baka mamaya kasi pagbalik niya galing sa bakasyon ay nasa listahan na siya ng missing person sa presinto.

(Dan) No need. Karina booked a taxi. Sige, diretso nalang ako jan sayo. I have something for u. See u in a bit!

Napangiti siya sa sinabi nito. Kahit kelan hindi ito pumalaya sa pagbili ng pasalubong para sa kanya. Palagi itong may dalang kahit anong makita nito na siguradong magugustuhan niya. He really treats her like a litle sister. Madalas din silang mapagkamalang magkapatid. She always feels secured around him. Pakiramdam niya ay walang pwedeng manakit sa kanya hangga't kasama niya ito. Kaya tuloy natatakot siyang isipin kung ano ang maari nitong gawin kapag nalaman nito ang nangyari sa kanila ni ng binata.

(Irea) R u sure? Hindi ka ba pagod?

(Dan) Nope! I'm great! Nagpahinga muna kami bago kami bumiyahe.

Balik mensahe nito na nilagyan pa ng muscle emoji.

Na-excite bigla ang dalaga. Miss na din niya ang pinsan. Nagpalitan pa sila ng ilang mensahe bago nagpa-alamanan. Napagkasunduan nilang magpinsan na doon magkita sa cafe ng kaibigang si Audrey.

PAGDATING ni Irea sa cafe ay nandoon na ang pinsan. Pagpasok niya ay nakita niyang nakaupo din sa mesa nito si Audrey. Hindi napansin ng dalawa ang pagdating niya. Sinenyasan niya ang empleyado ng kaibigan na huwag tawagin ang atensiyon ng mga ito.

"Sus! Kaya pala nagkakandarapang magpunta dito, iba pala ang sadya!" pigil ang ngiti niyang pinagmasdan ang mga ito.

Tila may seryoso silang pinag-uusapan dahil nakakunot ang noo ng pinsan. Gusto pa sana niyang panuorin ang mga ito ng matagal pero baka mabuking siya. Nakangiting humakbang siya patungo sa mga ito bago pa siya mahuling nakamasid.

"Hi, welcome home!" Nakangiting bati niya sa pinsan at pagkatapos ay bumaling din siya sa kaibigan. Agad naman siyang napansin ng mga ito nang kumilos na siya palapit sa kanila.

"Mukhang seryoso pinag-uusapan ninyo ah," gusto niyang makita ang reaksyon ng mga ito. Hindi nagpakita ng anumang emosyon ang pinsan pero napansin niyang namula ang pisngi ni Audrey.

"Wala. May tinatanong lang pinsan mo tungkol sa structural designs," maagap na sabi nito at makahulugang tumingin sa pinsan niya.

"Yeah," pagsang-ayon naman ng isa.

Kapagkuwa'y bigla itong tumayo, "Let me go get your drinks." Paalam nito na nakaiwas parin ng tingin sa kanya.

Irea cannot name it but, there is definitely something going on. Napansin niyang tila balisa ang dalawa.

"Hmmmm... Parang nangangamoy LQ ito ha..."

Mataman niyang pinagmasadan ang pinsan na noo'y nakatingin sa likod ng papalayong kaibigan. Gloominess is very evident in his eyes. Nginitian niya ito ng matamis nang mahuli siya nitong nakatitig dito.

Vanilla Love ConflictsWhere stories live. Discover now