Epilogue

18 1 0
                                    

E P I L O G U E
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

As usual ay ng umalis ang teacher nila sa araw na ito ay nagsimula na naman na maging palengke ang buong room nila. May nag babatuhan, sisigawan, nag babangayan at iba-iba pa. 

Nasanay na sa gano'ng sitwasyon si Lia kaya wala na rin sakaniya iyon. Kaya nag basa na lamang siya. Bigla namang tumahimik ang lahat na para bang may teacher sa harapan kaya agad siyang tumingin sa paligid. 

Napatango na lang siya ng mapagtanto ang tunay na dahilan kung bakit biglang tumahimik ang mga classmates niya. Mayroong dumaan na teacher sa harapan ng room nila. 

Ibinalik niya na lang ang pansin sa librong binabasa ng bigla na lang sinigaw ang kaniyang classmate ang pangalan niya kaya malamig niya itong tinignan. 

"May naghahanap sa'yo," masungit nitong sabi kaya agad siyang tumayo. 

Malamig lang ang itinapon niyang tingin sa lalaking nakatayo sa gitna ng dalawa pang lalaki. Basang-basa niya sa mga mata nito ang labis na pagkamangha habang nakatitig sakaniya na para bang anong oras ay lalamunin na ang buo niya. 

Bigla na lang niyang naramdaman ang pagkabog ng puso niya. Ito ang unang beses na bigla na lamang siyang nakaramdam ng kakaiba habang palapit sa estraherong lalaking may dala ng kumpol na papel. 

Hindi niya maitatanggi sa sarili na may itsura ang lalaking nasa harapan niya. Bagsak na itim na buhok, katamtaman lang ang kapal ng kilay at tama lang ang tangos ng ilong. Mapula rin ang labi nito.

Simple lang ang itsura niya pero nag iiba siya sa paningin ni Lia. 

Mukha siyang unggoy na bumagsak sa lupa. 

"Who gave that?" she coldly asked.

Nakita niya ang pasimpleng pag punas nito ng kamay niya kaya napa taas ang kilay niya sa isipan. Gusto niyang tanungin kung bakit niya ginawa iyon ngunit nanatili na lamang siyang tahimik at malamig. 

"Si sir Hudson."

Ng marinig ang kinasusuklaman niyang pangalan ay parang gusto niya na lang gupitin ang mga papel na hawak niya ngayon. Mabuti na lamang at magaling siyang mag pigil ng galit kaya agad siyang napakalma. 

Agad na niyang tinalikuran ang estraherong lalaki. Ayaw niya ng marinig ang sunod nitong sasabihin dahil baka hindi niya na mapigilan ang sarili kapag narinig niya na naman ang mapang-akit niyang boses. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Habang inaayos ni Lia ang mga damit niya ay bigla na lamang may na bagsak na kahon sa paa niya. Agad siyang napangiwi dahil sumakit ang paa niya dahil doon. 

Agad niya na mang tinignan iyon at napa-awang na lamang ang labi niya ng makita ang pamilyar na bagay sa loob ng kahon. 

"Lie made this for me when we were in high school," she whispered while running her fingers over the fabric. 

Hindi niya maiwasang mapangiti habang sinusukat muli ang pang takip ng kuko niya na si Lie mismo ang nagtahi. Mas lalo pang lumawak ang ngiti niya dahil saktong-sakto pa rin iyon sa daliri niya. 

Noong namuhay na siya kasama si Maria ay mas lalo alagang lumala ang anxiety niya at halos minu-minuto niyang nakakagat anb kuko niya ng hindi niya namamalayan. 

Kaya sobrang laking tulong ng ginawa sakaniya ni Lie. 

Nilabas din niya ang loom bands na may bandage chain at ice cube keychain na binigay rin sakaniya ni Lie. Doon niya lahat nilagay dahil hindi niya ito magawang itapon noon. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now