Chapter 45

6 1 0
                                    

C H A P T E R 4 5
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Napadilat na lamang si Lia ng bigla niyang naramdaman ang pagsakit ng ulo niya. Pinilit niya ang sarili na umupo sa malambot na kama habang sapo-sapo ang ulo niya. Inikot niya ang paningin kung nasaan siya. 

Nakahinga naman siya ng maluwag ng makitang pamilyar naman ang kwartong naroon siya. 

"Omg ka, Lia! Gising ka na!" 

Agad siyang napangiwi ng marinig ang malakas na sigaw ni Maria. Niyugyog pa siya nito sa balikat kaya mas lalo siyang nahilo. 

"S-Stop, mas lalo akong nahihilo." 

Nanlalaking matang tinigil naman ni Maria ang pag yugyog sakaniya. "Sorry." 

Tinanguan lamang siya ni Lia."It's okay. By the way, what happened? My head is aching so much."

Malakas na bumuntong hininga si Marie saka mariin na tinignan si Lia na hindi na alam ang gagawin para lang tumigil ang sakit ng ulo niya. 

Kung pwede lang na sabihin at tanungin niya ngayon si Lia kung sino ang lalaking nagbuhat sakiniya papunta sa kwarto niya ay gagawin niya. Gusto niya rin na tuktukan ang ulo nito dahil mukhang may gusto sakaniya ang kaibigan ng pinsan niya. 

Pero katulad 'nga ng sinabi ng lalaking 'yun, hindi niya sasabihin ang totoong nangyari kay Lia. Dahil ayaw niya raw ito na mabigla. 

"Hindi mo naalala na pinainom kita ng alcohol. And then boom, isang shot mo lang tumba ka na," natatawang sabi nito kaya kumunot ang noo ni Lia. 

"Me? Uminom ng alcohol!?" hindi makapaniwala niyang tanong habang nakaturo ang daliri sa sarili. 

Napailing na lamang si Maria at inabutan ito ng bowl ng may laman na lugaw. "Oh, kumain ka muna para maka-inom ka ng gamot. Ako muna ang magiging caregiverr mo ngayon." 

Napalabi si Lia ng bigla na lang siya nitong kinandatan. Napailing na lang siya saka dahan-dahang sumubo ng lugaw. Hinintay lamang siya ni Maria hanggang sa matapos siya at inalalayan niya si Lia ng maka-inom ng gamot. 

"How come I still don't remember anything?" she whispered irritably, tapping her head gently.

Agad naman siyang napatigil sa pagtapik sa sariling ulo ng maramdaman niya ang kamay ni Maria sa likuran niya. 

"Wag mo ng pilitin na alalahanin ang nangyari kagabi. Wala ka namang kagagahang ginawa," nakangisi niyang sabi at dumiretsyo sa kama ni Lia. 

"Then, who brought me here to my room? It's impossible that it's you because you can't carry me."

"Edi si Rus, pinsan ko na kasama natin kahapon," nakangiting sabi nito. 

Napatango na lamang si Lia ng maalala na may kasama 'nga pala nila kahapon ang pinsan nito. Ng maalala na may pasok pa pala siya ay agad siyang napalingon sa malaking orasan na nakasabit sa kwarto niya. 

"Shit! I have a work!" she said with a full of panic in her voice.

Agad namang napaupo si Maria mula sa pagkaka higa niya ng bigla na lamang tumalon si Lia sa kama. Napangiwi na lang siya ng halos madulas na si Lia sa pagmamdali na hanapin ang uniform niya. 

"Mag dahan-dahan ka 'nga," nakangiwi niyang suway. 

Ngunit parang bingi si Lia at pinagpatuloy lang ang pag pa-panic. Ma la late na kasi siya kung hindi niya pa dadalian ang kilos. Akmang tatakbo na siya papunta sa banyo ng bigla na lang tumawag sa phone niya kaya nagmamadali niya itong kinuha. 

Nilapag niya ang mga gamit sa lababo ng banyo at sinagot ang phone. 

"Lillia, are you there?" 

Agad siyang umayos ng tayo ng mapagtanto kung sino ang kausap niya ngayon. Mas lalong kumabog ang puso niya sa kaba ngunit pinilit niya ang sarili na manatiling kalmado. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now