Chapter 20

17 1 0
                                    

C H A P T E R 2 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Takbo lamang ng takbo si Lia na animo'y may humahabol sakaniyang kamatayan. Hindi niya na alam kung nasaan na siyang lugar napunta, ang mahalaga lang sakaniya sa ngayon ay maka layo siya sakaniyang lolo. 

Kahit na hinang-hina na ang katawan niya, puno ng pasa at puno ng sugat pinipilit niya pa rin ang kaniyang sarili na tumakbo. Pinipigilan niya na ang sarili na huwag tuluyang pumikit. 

Malakas siyang bumuntong hininga at kumapit sa railings na nasa gilid niya. Tumingin siya sa likuran niya. Nakahinga naman siya ng maluwag ng makitang walang taong na nakasunod sakaniya katulad ng nasa isip niya kanina. 

"God, I'm tired," she whispered. She let herself fall on the side of the road.

Sinandal niya ang ulo niya sa railings at tumitig sa madilim na langit. Sobrang linis na ulap ngayon, wala kang makikitang kahit anong bituin o buwan man lang. 

Mariin siyang pumikit pero agad din siyang napadilat ng bigla niya na naman nakita ang imahe na sinasampal at sinasaktan siya ng lolo niya. SImula pa lamang noong bata siya ay nakakaranasan na siya 'nun. 

Ang buong akala niya ay masasanay na ang katawan niya ngunit hindi pa pala. Dahil habang lumalaki siya mas lalo siyang nasasaktan. 

"Hindi ko na kaya," puno ng panghihina niyang bulong at akmang pipikit na ng biglang may yumogyog sa balikat niya. 

"Ate! Ayos lang po ba kayo!?" 

Pinilit niya ang sarili niya na dumilat upang makita kung sino iyon. Kumunot ang noo niya ng makitang may bata na sa harapan niya. Ang buhok nito ay hanggang bewang at kulay itim. May makulay itong clip at maaliwalas ang mukha. Pero punong-puno iyon ng pag-aaalala habang nakatitig sakaniya. 

Umupo ito kapantay niya at dahan-dahang hinawakan ang pisngi niya. Agad siyangt napangiwi ng masangga nito ang sugat na natamo niya sa gilid ng labi niya. 

"Hintay lang po kayo d'yan ah! Wag kayong pipikit! Tatawag po ako ng tulong!" sigaw nito. 

Ang isang kamay nito ay nanatiling naka-aalalay sa isang pisngi niya habang ang isa naman ay kinakalikot ang phone niya. 

Hindi niya na narinig at nalaman kung ano pa ang sumunod na nangyari. Gusto man niyang manatiling gising ay hindi na kaya ng kaniyang katawan. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

"Anak." 

Agad napatigil ang tatlo sa pagtawa ng marinig ang tawag ng nanay niya. Agad niyang nilingon ito. Pero agad kumunot ang noo niya ng makita ang pag-aalala ng nanay niya. 

Mabilis siyang lumpit dito. "Bakit po? May problema po ba?" 

"Tawagan mo 'nga 'yung kapatid mo. May masama kasi akong nakukutuban." 

Agad siyang tumango at kinuha ang phone niya habang hinahaplos ang braso ng kaniyang ina upang mapakalma ito. 

Akmang pipindutin niya na ang call sa kapatid ng lumabas na sa screen ang pangalan nito kaya agad niya ng sinagot ito. 

"Olivia! Nasaan ka b-" 

"Kuya pumunta kayo dito sa may Sesami Street! May nakita akong babae dito na binugbog eh! Kailangan niya ng pumunta ng hospit- Ate! Gumising ka! Sabi ko sa'yo wag kang matulog eh!" puno ng pagpanic na sigaw nito. 

"Hintayin mo kami d'yan!" 

Agad niya ng pinaliwanag kung ano bang sinabi ni Olivia sa nanay niya at kina Nate at Cary. Ang tatay niya ay wala pa dahil nas atrabaho pa ito. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now