Chapter 2

38 2 0
                                    

C H A P T E R 2
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Pinigilan ni Lia ang pag laki ng mata niya ng makita na naman ang unggoy sa harapan niya. Hindi niya alam kung bakit nito sinabuyan ng tubig ang kaharap niya pero, deserve niya naman 'yun kaya hindi na aapela pa si Lia. 

"What the heck are you doing!" malakas na sigaw ng kaharap at agad na humarap kay unggoy. 

Tinaaasan siya ng kilay ng unggoy at bahagyang tumagilid upang ipakita ang isang istudyante na may hawak na balde. 

"FYI, hindi ako ang naka buhos sa'yo ng tubig. Itong lalaking 'to," masungit na sabi ng unggoy kaya agad lumambot ang expression ng nanay-nanayan ni Trisha.

"Don't tell me I will watch the flirtation series of Matilda again!?" puno ng frustasyon na bulong ni Lia at hindi na napigilan ang sarili na umirap. 

"E-Ehe, s-sorry po. Ang ekele k-ko po k-kese-" 

"Huh?" takang tanong ng lalaki kaya agad na umayos ng tayo si Matilda.

Pabebeng inipit ni Matilda ang buhok niya sa likuran ng tenga. "Ang sebe ke-"  

"Hatdog palaman cheese dog," nakangising sabi ng lalaki at agad na lumapit kay Lia. 

Naiwang naka-awang naman ang bibig ni Matilda at parang basang sisiw na naiwan doon.

Muntik pang mapatalon si Lia sa gulat ng bigla na lamang siyang hawakan ng lalaki sa balikat at sinuri ang buong katawan niya. 

"Ayos ka lang!? May sugat ka ba? Nasaktan ka ba-" 

"Don't touch me. And you don't have to know if I have a wound," Lia coldly said.

Mabuti na lamang at hindi masyadong makulit ang unggoy kaya agad siyang lumayo kay Lia. 

"Sorry. Nag-aalala lang ak-" 

"You don't have to worry about me." 

Akmang magsasalita pa ang lalaki ng lagpasan na siya ni Lia at naglakad palayo. Hindi na pinansin pa ni Lia ang matalim na titig ni Matilda dahil wala naman siyang pake. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Agad napa-ayos ng upo si Lia ng marinig ang nakaka inis na boses na iyon. Malamig siyang nag-angat ng tingin dito. 

"Put this in my faculty,"  utos bg guro at inabot sakaniya ang makapal na papel na nakapaloob sa isang clear folder. 

"Do I look maid?" inis na bulong ni Lia na siya lamang ang nakakarinig. 

Tahimik na sinunod na lamang ng dalaga ang guro at mabilis na naglakad papunta sa faculty nito. Inis na inis na siya dahil hindi naman siya ang secretary pero lagi siyang inuutusan. Kung pwede 'nga lang mag reklamo, mag re-reklamo talaga siya. 

"Hi Lia!" 

Agad napatalon sa gulat si Lia ng may nagsalita mula sa likuran niya. Agad siyang napa hawak sa kaniyang dibdib at malalim na humugot ng hangin. 

"Sorry, nagulat kita," nakangiwing sabi ng kaharap. 

Agad kumabog ng malakas ang dibdib ni Lia ng makitang naglakad to palapit sakaniya. Agad siyang umayos ng tayo at akmang aatras pa ng tumama na sa bewang niya ang lamesa. 

Shit!

Hindi maintindihan ni Lia sa sarili kung bakit nag pa-panic siya ngayon. Lalapitan lang naman siya ng unggoy. Pero 'yun na 'nga ang kinaka-panic niya! Lalapit at hahawakan na naman siya ng unggoy!

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now