Chapter 29

4 1 0
                                    

C H A P T E R 2 9
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Hindi na napigilan ni Lia na mapangiwi habang pinapanood si Lie na maglinis at maghugas sa buong kusina nila. Kanina niya pa sinabi na hayaan na lang na makalat ang kusina, ngunit nag pumilit pa rin ito. Kaya wala na siyang ibang nagawa kung hindi hayaan na lang ito. 

"Kanina mo pa ba ko pinapanood?" nakangising tanong ni Lie kaya agad  nabalik sa reyalidad si Lia. 

Agad umiwas ng tingin si Lia ng maramdamang namula ang buong mukha niya. Ng marinig ang masarap sa tenga na halakhak ng binata ay mas lalo siyang namula. Niyakap niya na lamang ang unan hanggang sa matapos na si Lie. 

Agad napaupo si Lia ng niluhod ni Lie ang isa niyang tuhod. Akmang papaupuin niya na ito sa ng marahan hinawakan ng binata ang kamay niya at dinala iyon sa isa niyang tuhod na hindi nakaluhod. 

"Sorry. Sorry kasi hindi kita tinulungan kanina. Sorry kasi hindi man lang kita kinamusta kanina at sorry kasi ngayon lang kita nakamusta. Hindi man lang ako nakapag pasalamat sa'yo kasi hinayaan mong masaktan ang sarili mo para lang ma protektahan ang mama ko." 

Habang nakatitig si Lia sa malamlam na mga mata ni Lie, natutunaw ang puso niya. Kitang-kita niya nag matinding pagsisi nito. 

Malakas na bumuntong hininga ang dalaga saka pinisil ang kamay ni Lie. "You don't have to say sorry. Lie. I know that you have to put your mom first before anything else. I understand that, and I'm not totally crippled either, so you don't have to worry. And besides, I'm used to this kind of pain." 

"And that's what I hate about you. You used to feel that kind of pain," Lie said, full of hatred.

Ramdam na ramdam ni Lia ang matinding galit na bumabalot kay Lie habang sinasabi iyon. Napabuntong hininga na lamang siya at pinisil muli ang kamay ni Lie. 

"Gabi na. You better go-" 

"Mamaya na. Ikaw lang bang mag-isa dito?" tanong ni Lie at nag indian sit sa lapag. 

Pinigilan na lamang ni Lia na sabihing umupo na lang siya sa tabi nito dahil alam niyang tuluyan na siyang manghihina. 

Tumango si Lia. "My mom is on vacation."

Tumango si Lie saka tumingin bigla sa mata ng dalaga kaya agad napalabi si Lia. Hindi niya alam ang tamang iaakto sa harapan nito kaya kumurap na lamang siya ng paulit-ulit. 

"Pwede bang gamutin ko 'yan?" nakangiwi tanong ni Lie at tinuro ang braso niya. 

Ng lingunin ni Lia ang braso, napagtanto niya lamang na sariwa pa pala ang mga kalmot sakaniya ni Matilda. Nakalimutan niya na rin pala na nakalmot siya ni Matilda. 

Tumango si Lia saka tumayo. Mabilis naman na tumayo si Lie at maingat na nilagay ang malaking kamay sa likuran niya. Pero hindi niya naman naramdaman na nakalapat ang palad nito sa likuran niya.

"Saan ka pupunta?" 

"In my room. I will keep my room door open so you can go to my room without feeling shy." 

Tumaas ang kilay ni Lie. "At sino nagsabing nahihiya akong pumasok sa kwarto mo?" 

Agad tumigil si Lia sa paglalakad. "Your face says it all."

Nakita kasi ng dalaga na namula ang mukha ni Lie kaya alam niyang nakakaramdam siya ng hiya. Sa tuwing magkasama kasi sila ay palihim kinikilatis ni Lia ang binata. 

Mariin na kinagat ni Lie ang labi niya saka marahang hinawakan ang ulo ni Lia upang ipaharap sa hagdanan. "Oo na, sige na maglakad ka na." 

Napailing na lamang si Lia at dahan-dahan umakyat. Todo alalay naman sakaniya si Lie hanggang sa tuluyan na sila makarating sa harapan ng kwarto ni Lia. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat