Chapter 18

17 1 0
                                    

C H A P T E R 1 8
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Kahit na nakaupo na si Lia sa harapan ngayon ng nanay ni Lie, magpahanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Hindi niya alam kung ano ba ang iaakto niya sa harapan nito dahil sigurado siya na alam nito ang lahat ng ginagawa niya kay Lie. 

Muntik na siyang malaglag sa upuan ng maramdaman niyang hinawakan siya nito sa kamay. Gusto man niyang bawiin ang malamig niyang kamay ay hindi niya magawa. 

"Iha, wag kang kabahan. Hindi ako nangangain ng tao," natatawang sabi niya kaya napangiwi ang dalaga. 

"I-I'm just nervous. I-I don't know what to s-say or how I will act in f-front of you after what I d-did to your s-son." 

Tuyot na tuyot na ang lalamunan niya kaya hindi na siya maayos na nakapagsalita. 

Akmang yuyuko na sana siya ng biglang maramadaman niya na hinaplos nito ang buhok niya. Wala sa sariling napatitig na lamang siya sa maaliwalas na mukha nito. 

"Hindi mo kailangan kabahan. Alam kong may malalim na dahilan ka kung bakit mo ginagawa iyon sa anak ko." 

Nakahinga naman siya ng maluwag ngunit bigla na lamang umurong ang hininga niya na magsalita muli ito. 

"Pero sa totoo lang ay naiinis ako dahil masyadong naging tanga ang anak ko sa'yo." 

Agad niyang nakagat ang labi niya. Ang buong akala niya ay makakahinga na siya ng maluwag ngunit hindi pa pala.

"Pero hindi ko rin naman siya masisi dahil ikaw ang sinisigaw ng puso niya," pabulong na sabi niya pero narinig iyon ni Lia kaya kumunot ang noo niya. 

"What do you mean?" maingat niyang tanong dito. 

Agad itong ngumiti ng malawak at umiling. "Pwede ba kong magtanong kung bakit mo pinapalayo ang tatlo sa'yo, iha?" 

Lumabi siya saka yumuko. Walang ni isang pwedeng makaalam kung ano ang dahilan niya. At wala pa siyang maisip na palusot na pwedeng sabihin.

"S-Someone told m-me that if I-I don't a-avoid Lie, Cary, and Nate, t-they will do anything to ruin their l-lives." 

Halos magkasugat na ang labi niya dahil sa pagkabaon ng ngipin niya. Mabuti na lang at mabilis ngayon ang utak niya gumawa ng palusot. 

"Punyetang someone 'yan." 

Agad siyang napaubo sa sinabi ng nanay ni Lie. Mahina niyang hinampas ang dibdib dahil sa gulat. 

Ng suriin niya ang mukha nito, ay halata ang matinding inis. 

"Sino ba 'yang someone na 'yan at masyadong kontrolado ang buhay mo?" inis na tanong nito kaya napalabi siya. 

"It's Hudson." 

Iyon ang gusto niyang sabihin pero pinigilan niya ang sarili niya. Baka madamay din ito kaya mas magandang itahimik niya na lamang ang bibig. 

"Sorry, I can't tell you who that someone is." 

Malakas itong bumuntong hininga saka tumango. "Kilala kitang bata ka. Alam kong palaban ka at kaya mong ipagtanggol ang sarili mo pero ayaw mong pumatol sa mga taong walang kwenta, tama ba?" 

Mariin siyang tumango. "How did you know that?" 

"Ilang taon na ako janitress sa school na 'to, iha. Kaya simula pa lamang ng pumasok ka dito alam ko na lahat ng nangyayari sa'yo." 

Hindi niya mapigilan manliit sa sarili. Siguradong hindi lang ang nanay ni Lie ang alam ang lahat ng pinagdaaanan niya sa school na 'to mula pa noon. Marami pang tao ngunit hindi lang nila sinasabi. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon