Ngumiti lang naman ng nakakaloko at tinaas taas ang kilay na akala mo'y napaka-bait. Sarap bigwasan ng mukha, sa totoo lang.

"Freyja? HUMSS student?" Tanong ni Ate Sid kaya napatango ako. Kilala niya? Sabagay sikat din kasi si Freyja dito at matunog ang pangalan sa buong university.

"Sumali ka na sa club nila?" Tanong ni Felicity kaya tumango ako at napa buntong hininga. I can't blame her, though. Well... ako na 'to, aangal pa ba sila. Natawa ako sa naisip at napailing.

"Really?" Manghang tanong ng mga ito at makikita ang excitement sa mukha ng mga ito.

"OMG! I knew it! Myghad, bestie! Makikita din nila ang talent mo!" Excited na sabi ni Dione habang niyugyog pa ako.

Tiningnan ko ito ng masama dahil may laman pa ang aking bibig ay niyugyog na ako. Napaka naman talaga kahit kailan!

"May meeting kayo? Sama ako! Pogi daw yung drummer nila doon." Nagkatinginan pa si Dione at Felicity at sabay na tumili. Napailing ako sa inasal ng mga ito. Bakit mas excited pa sila kaysa sa akin?

"I'm sorry to interrupt you for gushing at someone but can we sit here? There are no more available seats." Malamig pa sa yelong sambit ni Ms. Costales. Kasama nito si Ms. Ferrucci with another 2 students?

Tumango nalang kami bilang tugon dito. Umupo naman ang mga ito kaagad dahil may mga dala itong tray ng pagkain nila. Umupo sa kaninang inupuaan ni Kale si Ms. Costales kaya nakatapat ito kay Felicity na ngayo'y parang balisa.

Anyare dito?

Umupo din sa aking tapat si Ms. Ferrucci na parang walang pakialam sa mundo at bigla nalang nilantakan ang pagkain.

Nakita ko din na nakayukong kumakain si Dione kaya nagtaka ako kung bakit naging ganito bigla. Parang kanina lang kasi ay masaya pa sila habang tumitili ngayon e para siyang mamamatay ng maaga.

Tiningnan ko naman si Ate Sid na ngayon ay tahimik lang na kumakain pero ramdam ko na masama ang timpla ng mukha nito dahil sa higpit ng hawak nito sa hawak na tinidor at ang masarap na carbonara ay durog na. Naawa naman ako sa carbonara.

Yung carbonara...

"Can we sit here too?" Tanong ng isang babae. Mukha yata wala silang balak sumagot kaya ako na ang sumagot.

"Yeah, sure." Malawak ang ngiti na sinabi ko iyon na nagpalingon sa kanilang lahat. Napamaang ako dahil ang sama ng tingin nilang lahat sa akin.

Bakit?

"I'm Sienna, by the way and this is Serena." Sabay turo nito sa katabi at ngumiti ng mukhang peke. Tumingin pa yung Sienna kay Ate Sid ng malagkit kaya napangiwi ako.

Ngumiti na lang din ako dito ng peke at kumain na ng pagkain na nasa aking harapan.

Maya maya ay dumating na si Kale na may dalang apat na bote ng tubig. Bahagyang nagulat pa ito at umupo sa tabi ni Dione at bumulong.

Bulong pero ang lakas ng boses, ibang klase.

"Bakit dumami ang nandito?" Bulong nito kay Dione. Nagkibit balikat na lamang ang isa at nag focus na sa kinakain habang panaka naka ang tingin sa katapat. Everyone's acting weird today, seriously!

"Excuse me. I forgot to get some water." Pagpapaalam ni Miss Ferrucci ngunit bago pa ito makatayo ay may inabot na yung Serena na isang bottled water.

"Here, Miss." Sabay ngiti ng malandi kay Miss. Agad naman napatingin sa akin ang iba naming kasama as I raised my eyebrow dito habang napaubo naman si Ma'am at kinuha ang tubig na binibigay nito.

"Thank you." Sabay inom ng tubig. Ilang segundo naging tahimik ang lamesa ng biglang magsalita si Sienna, na nagpatigil sa aming lahat sa pagkain at mapatingin sa kaniya.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Where stories live. Discover now