Ayaw sa kaniya ng pamilya niya dahil mahina siya. Wala siyang kaibigan dahil sa mga masasamang balita na lumalabas tungkol sa kaniya. Binabastos ng mga tauhan ng Caventry dahil wala siyang halaga sa pamilya. At higit sa lahat at ang pinakahuli, ay yung hindi rin siya gusto ng taong mahal niya!



Nakakalungkot at kahit ako na pera lang ang dahilan kung bakit ako nasa mga Caventry ay nag-aalala din naman sa kalagayan ni Lady Athy. Mabuti na nga lang dahil naiiba si Lady Heleina sa mga kapatid niya at lagi niya itong pinagtatanggol.



Pero ang masama ay sarado na ang isip ni milady at hindi niya na napapansin na may tao din naman na nag-aalala sa kaniya. Yun din siguro ang dahilan para maisipan niyang uminom ng lason nang parusahan siya na ikulong sa probation room noon.



Mabuti na lang talaga at naagapan namin kaagad. Talagang pinatawag pa noon ni Lord Caventry ang private doctor ng pamilya kahit pa na wala ito sa Andrin City. Balita ko nga ay pinasundo pa si Doc ng helipcoter para mas mabilis na makarating dito sa mansyon.



Grabe ang gulat namin noon nang malaman namin na huminto ng ilang minuto ang pagtibok ng puso ni milady. Mabuti na lang at mabilis itong natugunan ni doc at nailigtas ulit ang buhay ni Lady Athy.



Mahigit dalawang araw din siyang walang malay kaya lagi akong nakabantay kung sakali mang gumising na siya. Pero ang pananabik ko ng araw na 'yon ay napalitan ng pangamba nang bigla niya na lang akong tanungin kung sino siya at anong buong pangalan niya.



Noong una ay akala ko nagkaroon ng amnesia si Lady Athy, pero pagkatapos naman ng konting kwentuhan ay naging ayos na naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Ang kaso nga lang, magmula ng araw na 'yon doon ko na napansin ang pagbabago ni milady. Para bang ibang tao na siya?



'Pira, tigilan mo na ang mga iniisip mo at baka malagot ka pa kay Lady Athy kapag nalaman niya 'yang mga pinag-iisip mo!'



Nang makalabas ng hospital ay agad akong sumakay sa kotse ni milady. Ito kasi ang dinala ko papunta dito dahil nga sabay sana kaming uuwi mamaya, kaya lang pinaalis niya naman ako. Sayang naman ang pakikipagsapakan ko sa mga maid ni Lady Mitchel na nangharang sa'kin kanina. Hayys!



Habang nagmamaneho ay tsaka ko lang biglang naalala ang mga tanong na kanina ko pa sana gustong itanong kay Lady Athy, kaya lang nawawala sa isip ko. Gusto ko kasi sanang malaman kung anong meron tungkol sa nangyari kanina sa hotel.



Hindi ko talaga akalain na nandoon ang mga delikadong young master sa Atlante! Muntik na nga akong matapilok kanina kasi nang makita ko si Lady Athy na karga-karga ni Mr. Trider ay balak ko sanang tumakbo dahil sa pag-aalala.



Kaya lang biglang nahagip ng mata ko ang mga young master sa harap nila na animo'y balak kunin si Lady Athy mula sa kaniya dito. Nagkatinginan pa nga kami ni Lady Heleina dahil sa nakita namin. Atsaka, kailan pa nakilala ni milady sina Young master Leywin at Young master Virion?



Alam ko na kasi na kilala ni Lady Athy sina Young master Rence at Young master Lemuel, pati na rin si Young master Eckheart dahil doon ito nanatili last time. Pero hindi naman siguro sila close para dumating sa punto na magsama-sama sila dito, diba?!


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossDove le storie prendono vita. Scoprilo ora