"Pero ang weird talaga kung bakit kailangan pang pasabugin yung building..."



"Grabe nung nalaman ko na hindi man lang inalis yung mga katawan ng bisita sa hotel ay naawa talaga ako!"



"Tama ka diyan! Kahit sana nirespeto man lang yung mga patay tapos inuwi sa pamilya ng mga biktima."


"Sino kayang nag-utos non? Grabeng sama naman ng ugali nila at talagang sinunog pa nila kasama ng building ang mga bangkay!" 


Napakunot ang noo ko sa mga narinig. Anong ibig nilang sabihin sa sinunog yung building? Teka... Yung building ba na tinutukoy nila ay yung hotel na ginanapan ng Annual Charity Event?!



Minulat ko ang mata ko atsaka tumingin sa dalawang babae. Kailangan kong malaman ang buong nangyari, lalo pa't kasama si lady Athy sa mga dumalo sa event.



"Excuse me, pwede ko bang malaman kung anong nangyari sa building na sinunog? Ano raw ang dahilan?" Tanong ko na agad na kinatingin ng dalawa.


"Binalita kasi kanina sa TV na pinasabog yung building ng Eldaim G.S Hotel, kaya marami ang nagulat. Wala ring malinaw na report kung bakit pinag-utos ng higher ups ng Military Sector na pasabugin ang buong gusali. Pati nga mga sundalo ay nagulat din sa order na binaba ng mga officials." Kwento ng babaeng hindi naman kagandahan.



Napatango ako sa sinabi niya atsaka mabilis na nagpaalam sa kanila. Kailangan ko munang alamin ang buong kwento bago ibalita kay Lady Athy. Mahilig pa naman siyang magtanong nang magtanong kaya nakakatakot kapag wala kang alam kahit na ano. Tataasan ka lang non ng kilay ehh.



Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil kung tutuusin ay mas gusto ko na ganito lang si Lady Athy. Noon kasi ay lagi ko siyang nakikita na nagmumukmok sa kwarto tuwing hindi siya pinapansin at pinapahalagahan ng lahat. Puno rin ng lungkot ang mga mata nito na kahit na ako na sinisigawan niya noon ay naawa sa kalagayan niya.



Malaki naman kasi ang paniniwala ko na hindi masamang tao si Lady Athy. Kaya ngayon ay masaya ako na mukha namang napatunayan ko na tama ang desisyon ko na samahan siya sa takbo ng kaniyang buhay.



Isa pa ramdam ko na ang malaking pagbabago sa ugali ni milady. Hindi na siya sumisigaw sa mga maid tuwing naiinis siya. Tapos hindi na rin mahina ang katawan niya kumpara sa katawan nitong sakitin noon.



Mas ginagamit na rin nito ang kaniyang angking talino kaysa noon na padalos-dalos siya kung kumilos. Idagdag mo pa na gumaganda na ang fashion sense niya na dumating pa sa punto na may sarili na siyang boutique.



'Kaya naman, sino ang hindi sasaya kung ang milady mo dati na walang tiwala sa sarili at mahina ang loob ay unti-unti nang nagbabago para sa ikakabuti ng kaniyang sarili?'



Pero kung meron man ako na pinakagusto sa nangyayari, 'yon ay yung hindi na siya masiyadong nalulungkot kapag usapang engagement na ang nababanggit. Dati kasi hindi man sabihin ni milady ay alam kong iniisip niya na walang nagmahahal sa kaniya.


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now