"Sige Ate. Goodnight."



Binaba ko na ang cellphone ko at idenial naman ang kay Ryan.



''Hello Ryan?"



"Bakla ka natutulog pa ako."




"Gising na alas kwatro na diba may lakad ka? Dapat maaga kang magising." sabi ko.



"Alas kwatro pa. Sobrang aga kaya, Tin. Ano bang kailangan mo?" aniya habang ang boses ay boses ng inaantok pa.




"Ah...kailangan ko kasing mag-interview e. May kilala ka bang kaibigan mo na businessman diyan. Pakilala mo naman ako oh. Kailangan lang talaga."


"Oo, meron." aniya.

"Talaga?"


"Hmm... si Sir Evor." Aniya.



"Wala na ba talagang iba? Siya lang ba? Ano ba naman itong buhay na to oh." Agap ko at humiga na ako sa kama.



"Bakla, close naman kayo. Siya na lang interview-hin mo, hindi ka pa maiilang dahil magkakakilala na kayo." aniya. Hindi nga ba? Panigurado na maiilang lang ako.



"Sige na, matulog ka na ulit. Matutulog na ako. Salamat." matamlay kong sinabi. Wala talaga akong lusot nito.

"Sige, goodnight bakla. Salamat at ginising mo ako kay aga aga pa." aniya.


"Sorry at salamat." agap ko at ibinaba na.


Nilimot ko muna ang gabing iyon pero tanghali naman ng nagising ako. Wala talaga akong choice kundi ang mainterview ang mokong na iyon.


Kakapalan ko na ang mukha ko kaya naman isang katangahan naman ang ginawa ko. Nagtungo ako sa bahay niya mga alas kwatro na ng hapon. Siguro naman nakauwi na siya pagkatapos sa trabaho. Nag doorbell ako, napagbuksan naman ako. Akala ko katulong niya ang magbubukas siya pala.


"Gusto mong makipag-one night stand?" bungad niya kaya naman nag-init ang ulo at dugo ko. Akala ko pa naman gentleman to yon pala ang sama ng ugali. Sabi ng hindi ako kagaya ng ibang mga babae diyan e.



"Papayag akong insultuhin mo ngayon dahil may kailangan ako sayo. Kakapalan ko na ang mukha ko." agap ko at tumingin siya sa akin.


"Well, get in." he said while smirking.



Napa upo ako sa sala niya. Kaharap ko siya ngayon kaya naman nagsalita na ako. Alam kong way niya ito para maasar ako. I was trying to speak pero na unahan na ako.



"Dito ba natin gagawin, sa sala ko?" aniya. Nagtitiis lang ako. Ang bastos talaga. Tin, relax lang saka ka nalang gumanti kapag tapos na ito lahat.


"Sa kama mo. Baka kasi sa sobrang pagkagusto mo masira pa ang mga couch mo dito." sinakyan ko ang biro niya habang kinuha na ang ballpen at isang notebook. He smirked when I said that kaya naman nagsungit na lamang ako sa gagong ito.


"Kailangan kitang interview-hin. Sumagot ka ng maayos." agap ko at tinignan ko siya ng malalim at nagsimula na.



"Why did you choose business? Gusto mo ba talaga ang business?" unang tanong ko pero lumunok siya dahilan ng pagkakita ko sa adam's apple niya.



"Yes. I like the business. Makaktulong sa mga tao." aniya at tumango naman ako.



"What makes you get this success? May inspirasyon o gusto lang yumaman?"



Echoes of a Heartbeat (HEARTWRENCHING SERIES 1)Where stories live. Discover now