"Sa boarding house mo nalang ako ihatid. Mamayang ten pa akong pasok ko sa school." binitawan ko na ang mga salitang iyon. Tumango lang siya. Nang dumating kami sa harap ng nag boarding houses ng mga estudyante ay agad akong nag salita ng muli.


"Salamat sa lahat ng tulong mo. Sana nabayaran ko na yon lahat sa dalawang beses na paghalik mo." sarkastiko ko iyong sinabi pero bago pa ako makaalis ay nagsalita siyang muli.



"Mag-ingat ka, Tin." aniya.



Tumango ako sa kanya at naglakad na papasok sa boarding house ko. N-upo ako at inalala ang lahat. Bakit niya ba ako hinalikan? Mokong na iyon! Unang halik ko iyon para iyon sa lalaking pipiliin kong mahalin. Napakagago talaga.



Habang inaayos ko ang mga gamit na dadalhin ko para sa klase ay hindi ko makalimutan ang bawat pang-aasar na ngiti niya. Hindi ko naman gustong isipin pero sumasagi talaga sa isip ko. Tumayo, tumalon talon na ako at napa-upo na ako pero hindi, naiisip ko parin iyong nangyari. Siguro dahil hindi ko matanggap na unang halik ko siya.


My phone vibrated. It was Ryan.



"Hmm?"



"Hoy! Anong hmm? Halika ka na sa school dapat maaga tayo dito. Nasa golf course ako. Inaantay kita. Ang tagal naman ng prinsesa ni Sir Evor." aniya.



"Ryan, wala ako sa mood. Wag natin siyang pag-usapan. Sige na at pupunta na ako diyan."



Umalis ako sa araw na iyon at tinapos ang lahat ng klase ko. Isang subject lang ang parehos kami ni Ryan at tuwing lunes iyon kaya naman siya madalas kasama ko. Nang hapon iyon sobrang napagod ako sa sobrang dami ng gagawin. May report ako, kailangan kong mag-aral sa isang subject para sa quiz namin tapos may group activity pa sa mga kasamahan ko, magdraw-drawing pa ako atsaka may paper works din ako na parehos lang lahat ng deadline, sa wednesday kaya naman unti-unti ko ng ginagawa ang iba.


Wala akong schedule every tuesday kaya naman nag-puyat ako buong gabi para matapos lahat ng gagawin. Madaling araw ko na tapos ang mga ginagawa ko pero may isang activity pang hindi ko nagawa. Isang paperwork. Interview a friend who's in the business and ask what gives him success. What are his/her trials in order to achieve his/her goals? What is his/her success? If you have any question you want to ask, you can ask it also and provide a summary of all the questions you've made and print it and submit it directly to the english department. Yon yung instruction kaya naman napatawag ako kay Ate Kish kung may kakilala ba syang businessman na pwede kung i-interview. I dialed her number and luckily she picked it up.

"Hello, Ate Kish. Kamusta ka?"



"Okay naman ako, Tin. IKaw? Bakit napa tawag ka may problema ba?"


"Ah... Ate, may kilala po ba kayong businessman na pwede kung i-interview? Kailangan kasi e. Sa isang subject ko."




"Si Sir Evor lang kilala ko e. Pwede naman siguro iyon. Diba magkaibigan kayo? Siya na lang kaya i-interview mo. Hindi ka pa maiilang kasi mabait iyon." si Ate Kish. Napabuntonghinga ako at napa-isip na naman. Maiilang ako for sure. Pagkatapos ba naman ng nangyari ayaw ko na siyang makausap


"Ah...busy iyon, Ate Kish. Sige Ate ah, salamat po. Itatanong ko muna po kay Ryan, baka kasi may kakilala siya.'



"Oh sige, mag-ingat ka diyan ah. Madaling araw na nag-aaral ka pa."



"Ikaw rin naman Ate ah. Madaling araw na nagtatrabaho ka pa."


"Hay nakung bata ka. Sige na ibababa ko na. Matulog ka na rin."



Echoes of a Heartbeat (HEARTWRENCHING SERIES 1)Where stories live. Discover now