Hindi makapaniwalang napailing na lamang ito saka tumabi ng upo kay Lie. "Sa sobrang trust mo baka mamaya mapa away na naman 'yan. Baka tuluyang balatan ni Coleen ng kuko 'yang costumer natin pag nabanas 'yan."

Napangisi na lang ng malawak si Lie. "Deserve."

Napangiwi na lang ang dalaga dahil sa katarantaduhan ng boss niya. "Ang weird niyo talaga."

Hindi na lang sumagot si Lie at binuksan ang phone niya upang i text sana si Lia. Ng bigla na lang mawala ang phone niya sa kamay niya.

"Oh g! Siya ba 'yung pinaghahandaan mo dati pa!?" gulat na tanong nito kaya agad siyang tumango at hinayaan ang dalaga na kalikutin ang phone gallery niya.

Hindi naman siya natatakot na baka mamaya ay may iba siyang makita dahil puno lang naman ng mukha ni Lia ang phone gallery niya bukod sa puro nails at arts ang nandoon.

"Woah, sobrang ganda niya," namamanghang bulong nito kaya agad siyang napatayo at inagaw na ang phone sa kamay nito.

"Wag mong subukang agawin 'to. Akin 'to, hanap ka iba," matalim niyang sabi kaya malakas na natawa ang dalaga.

"Alam na alam mo na talaga kung sino at ano ang mga tipo k-"

"Talagang tatanggalan kita ng buto sa oras na inagaw mo 'tong akin," inis niyang banta kaya mas lalong natawa ang dalaga dahil kitang-kita ang inis at pag kairita ni Lie.

Akmang aasarin niya pa ito ng bigla na lang silang nakarinig ng sigaw kaya nagmamadali silang lumabas sa office ng security.

"Anong nangyayari dito?" seryosong tanong ni Lie ng makitang naka upo na sa sahig si Coleen habang ang costumer naman ay nanggagalaiti na sa galit.

"My beautiful nails are now ruined because of her!" she shouted angrily.

"Ilang beses ko na po kasi sinabi sainyo na umayos kayo ng upo dahil may tendency po talaga na masira lalo ang pangit niyong kuko. Pero mas lalo niyong hindi inayos ang upo niyo kaya muntik ko ng matuklap ang kuko niyo-"

"But it doesn't mean you can talk to me like that! You have no rights because you are just working here! A customer is always right-"

"Not all customers are always right, Ms." Lie cut the girl off.

Bigla na lang umamo ang mala tigre nitong mukha sa galit ng makita si Lie. Kuminang ang mga mata nito at akmang tatakbo na palapit kay Lie ng mabilis siyang pinigilan ng dalaga na katabi ni Lie.

"Hep-hep, d'yan ka lang," nakangising sabi nito at padurong tinulak ito.

Bumalik naman ang matinding inis sa mukha nito. "At sino ka naman!? Wag ka 'ngang epal d'yan-"

"Ikaw 'nga 'tong epal d'yan eh. Wag ka 'ngang assuming sa boss ko, never ka niyan magiging type."

Nag bangayan pa ang dalawa pero hindi na sila pinansin pa ni Lie at mabilis na lumapit kay Coleen at inalalayan itong makatayo ng maayos.

"Sorry sir. Hindi ko na naman napigilan 'yung galit ko," nakangiwing sabi nito.

Umiling lamang si Lie. "It's okay. Alam ko naman na ginawa mo ang best mo para pigilan ang galit mo pero sadyang pinupuno ka ng babaeng 'yun."

"Nakuha mo sir."

Malakas na bumuntong hininga si Lie at agad pinasadahan ng tingin ang dalawa. Marami na ang taong nanonood sa pagbabayangayan nila dahil marami silang costumer ngayon.

"That's enough, Drea," pigil niya sa dalagang walang balak na umawat.

Malakas na napa buntong hininga naman ito at mabilis na ginulo ang sariling buhok.

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now