Chapter 31

14 1 0
                                    

CL's NOTE: Midterm week na namin next week. Kayo ba? 🥲 Anyway, here's an update since masaya ako kasi Friday. Enjoy Reading. Lovelotz 😘

****

NAGLAKAD SI ELISHA papasok ng ospital at tumingin sa mga pasyente sa paligid. Naka-assign si Jess sa ER at ito ang pinakabusy na department. Alam nya iyon dahil nakwento iyon ni Jess

Humiling ito na kung pwede magdala sya ng pamalit nitong damit kaya eto sya ngayon. Lumapit sya sa nurse "Si Doctor Jess Ortega?"

Napatingin ito sa kanya at nakita nyang nagliwanag ang mukha nito na tila natatandaan sya "Oh, ikaw yung girlfriend ni Doc Ortega diba?"

"Hindi nya ako girlfriend. Kaibigan nya ako"

Napatango ito "Sayang bagay pa naman kayo. Busy si Doc Ortega. Kung gusto mo maghintay ka nalang muna"

Tinignan nya ang oras sa relo "Hindi na. Male-late ako, may ime-meet---"

"Suzzy?"

Napalingon sya sa gilid at nakita si Doctor Mila "It's nice to see you, Suzzy" sabi nito

"Nice to see you too, Doc. May iaabot lang sana ako kay Jess" sabi nya

Napatango ito at ngumiti "Ano yan?"

"Clothes" sabi nya at ngumiti "Breakfast narin, hindi pa 'yon kumakain panigurado"

"Yiee concern" panunudyo ni Doctor Anna

"Eli?"

Napalingon sya sa likod at nakita si Jess. Lumapit ito sa kanya "Is that for me?"

Tumango sya at inabot ang paper bag na dala nya na naglalaman ng damit nito "Dalawa na dinala ko"

Ngumiti si Jess "Thanks, Eli"

Inabot nya rin ang isa pang paper bag "Breakfast mo"

Kinuha iyon ni Jess at bigla nitong pinisil ang kanang pisngi nya "Thank you for this"

"Doc Jess?"

Napalingon sila at natigilan si Elisha nang makita ang babaeng tumawag kay Jess. Kamukha sya ni Anne...

Nilingon ni Elisha si Jess at nakita nya ang pamilyar na kislap sa mga mata nito. Magkahalong saya at pangungulila...

Akmang aalis na sya nang hawakan ni Jess ang braso nya "Where are you going?"

"Ano...male-late na ako.." sabi nya

"You don't have work today" sabi nito

"Umuwi na kasi si Drew kagabi. Magkikita kami ngayon" sabi nya at napahawak sa cellphone sa bulsa nya nang magvibrate iyon. Nilabas nya ang cellphone at nakitang tumatawag si Drew. Nilingon nya si Jess

"Okay, take care, Eli" sabi ni Jess

"Hope to see you again, Suzzy" sabi ni Doctor Mila

"Take care, Suzzy" sabi ni Doctor Anna

"Thank you" sabi nya sa dalawa saka nilingon si Jess "Una na ako"

"Are you free tomorrow? Maybe dinner?"

Tumango sya bilang sagot

Ngumiti si Jess at biglang nilingon ang babaeng kausap nito kanina "By the way, Eli. This is Helen, she's my patient. Helen, she's my childhood friend, Suzzy"

Behind That ShadowWhere stories live. Discover now