Chapter 16

12 2 0
                                    

****

NILABAS NI ELISHA ang salad mula sa fridge at dinala sa garden kung nasaan ang mga handa para sa selebrasyon ng kasal ng mga magulang ni Jess

Umupo si Elisha sa isang bakanteng silya sa tabi ni Clarence at napangiti habang nakatingin sa parents ni Jess na nagsasayaw sa gitna

"Can I have this dance?"

Napalingon sya kay Clarence na nakalahad ang kamay sa harapan nya "You're ruining their moment"

"Jess and Alexandra are dancing so as Seth and Charice" sabi nito

"I don't want to. Ask Casey instead" sabi nya at pinagkrus ang braso

"Hindi, okay lang, Suzzy. Go on, dance" sabi ni Casey na katabi nya

Tinignan nya ang kamay ni Clarence at tinanggap iyon. Dinala sya ni Clarence sa gitna at nilagay ang kamay sa bewang nya. Nilagay nya ang kamay sa balikat ni Clarence

"Naalala ko nung debut mo" sabi nito

Napangiwi naman sya "Oh please, don't remind me that day" sabi nya at napayuko

"Bakit? Ang ganda ganda mo kaya nung araw na 'yon. Sayang lang hindi ako ang last dance mo" sabi nito at nginitian sya "Nga pala, kailan mo balak mag-boyfriend?"

Kumunot ang noo nya sa sinabi nito "He will come when it's time. I'll just wait"

"Si Ten-Year-Guy parin ba yan?"

Umiling sya "I'm getting over him but it will take some time" sabi nya at bumuntong hininga

"Tatlong taon nalang bye bye ka na sa kalendaryo. Baka tumanda kang dalaga, sayang"

Napangiti sya sa sinabi ni Clarence "Bakit naman sayang?"

"Sayang lahi"

"Whatever, Clarence"

Sinulyapan ni Clarence si Casey saka binalik ang tingin sa kanya "Did I distract you?"

"What?"

"Malungkot ka nanaman kasi kanina kaya sinayaw kita" sabi nito at hinaplos ang buhok nya "Ayoko kitang nakikitang malungkot. Hindi bagay"

"I'm not sad"

"You are. Kapag malungkot ka, tahimik ka eh" sabi nito at bumalik sila sa upuan "Huwag ka na malulungkot ah" saka nito inayaya si Casey

"Ehem!"

Napalingon sya sa gilid at nakita si Seth na naroon "Nainggit ako" sabi nito saka nilahad ang kamay sa harapan nya "May I, beautiful?"

"Bolero" sabi nya at inabot ang kamay nito

Inalalayan sya patayo ni Seth saka inikot at dinala sa gitna "Aray! Nakakasilaw!" biglang sigaw ni Seth at tinakpan ang mata nito

"What?" takang tanong nya rito

"Ang ganda mo, nakakasilaw"

Natawa sya sa sinabi ni Seth at pinalo ng mahina ang braso nito "Joke lang" sabi nito at niyakap sya. Sinandal ni Seth ang ulo nya sa balikat nito at pinulupot ang braso nito sa bewang nya "Alam mo ba ang sabi sakin ni Charice..."

"Hmm?"

"Ang ganda mo raw, sobra" sabi nito na kinairap nya

"Alam mo, bolero ka talaga" sabi nya at inalis ang ulo nya sa balikat nito

Behind That ShadowWhere stories live. Discover now